Twice na po ako nag pa ultrasound

Bakit po ganun? Twice na ako nag pa ultrasound, 19weeks & 22weeks. Pero hindi parin nakita yung gender ni baby. Wala pang 5mins tapos na agad, napaka likot ng baby ko pero parang nasa isang area lang sila nag focus. Excited na po kasi kami malaman para po kahit papano maka ipon ng pa konti konti na gamit ni baby.

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

22 weeks po ako nung nalaman ko yung gender ni baby ko actually last saturday lang po ako nag ultrasound. And super bait po ng nag uultrasound sa lying na pinag checheck upan ko. Mabusisi po siya and kinakausap niya pa po ako habang chinecheck niya si baby super likot din po ng baby ko pero nakita naman po gender niya. Try niyo po magpa ultrasound sa iba mamsh. Team december here 😊

Magbasa pa

Same as mine. 1st hindi nakita ang gender ni baby kasi nakataob yung posisyon nya then nung sunod na check up hindi nnaman makita kasi nahaharangan ng hita ang gender ni baby kahit anong gawin ng ob ko. Ang ginawa sken pinaupo muna at pinainom ng malamig na tubig para gumalaw si baby at magiba ang posisyon. After 30 mins inultrasound let ako ayun nakita na babae si baby. 😁

Magbasa pa
3y ago

ang effort po ng nag ultrasound sainyo, sakin wala pang 5mins tapos na, sinabi lang kung ano yung tinuturo ng arrow like ito yung kamay ito yung ulo etc. pag sabi ko palang po ng weeks ko sabi nya di pa makikita yan eh 22 weeks na😒

Same nung una di nakita din gender ni bebe, tas umulit kami sa Ibang sono sa una ayaw din pakita naka cross legs kasi tapos nag effort talaga ung sono iba iba ng position, nakahiga, nakaside pinaupo pako para lang iba angle nia makita sa ultrasound, inalog pa nia chan ko para magising daw ung baby at gumalaw ayun nakita ang bebe girl ko

Magbasa pa

same mamsh. sakin nga 24 weeks na ata di pa din nakita gender ni baby. much better daw pag 7 or 8 months. kaso ang tagal hehe. nung nagpa ultra sound kasi kami naka indian seat si baby. hoping and praying na next ultrasound makita na namin gender nya. sobrang excited pa naman na kami ng daddy nya magpa gender reveal

Magbasa pa

before po ako nag pa ultrasound always ako nakikipag talk kay baby na dapat nasa tamang position na sya para d mahirapan ung pedia tas sinabayan ko ng pray po tas 19weeks nag pa ultrasound ako ayon kitangkita agad ung itlog niya hihihi thanksgod normal naman po lahat ng result ni baby hihi

VIP Member

Try nyo po ulit magpaultrasound sa iba. Sakin po kasi kahit maliit si baby ko and 20 weeks ako ngayon nakita na yung gender kasi congenital anomaly scan yung ginawa sakin and mejo matagal kasi 30 mins po sha. Pero nung nagpelvic ultrasound ako e di nakita gender ni baby kasi maliit sha.

depende talaga s posisyon ng bata yan kung makikisama xa oh hindi..naka focus cla s isang side kasi nandon ung paa nya.,antayin m nalang na mag request ob ng cas kasi medjo mahal ang cas don talaga titignan mula ulo hanggang paa.,pati gender nya sama na s cas

Team December din po ba kayo? sakin kase nakita na girl. Dito lang sa binan nagpa consult 3,800 ang bayad. Mdaming taking picture kay baby. Malikot din baby ko pero nakuhaan nila na babae po gender may burger draw daw kase

3y ago

sis nag Pa ultrasound na ako kahapon cgurado na kayo na girl ang sabi kc naka puwesto na daw si baby ko at normal naman lahat sis

23weeks ako kahapon lang nakita πŸ˜… muntik pa di magpakita eh, nakadapa kasi si baby. tas triny ng sono patagilid ako, ayon nakita na... baby boy ulit πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

3y ago

buti pa po mga sono nyo nag eeffort,yung dalawang napuntahan ko wala pang 5mins tapos na, kapag nakikita na nila sa machine kung ilan weeks na sinasabi nila hindi pa makikitaπŸ˜₯

VIP Member

Advice ko mommy if ayaw pa pakita ni baby ng gender buy ka nalang muna ng mga gamit or damit na for neutral gender like nude brown white mga ganun muna.