proud or not ?

bakit ganun ung partner ko simpleng pag popost ko lang ng picture ng ultrasound ko ayaw nia wag daw ako masyado post ng post wag daw ako gumaya sa iba na detail by detail kung ipost ung pag bubuntis maging private daw ako sa buhay namin kc gusto nia daw ng tahimik ayaw nia ng maraming nakekealam . naiinis ako s knia ngayon feeling ko hindi sia proud n mag kakababy na kmi ??

136 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Walang problema dun. Private din akong tao at yung asawa ko naman ang in sa mga social media. Pero ni minsan hindi namin pinagtalunan yang ganyan. Respeto lang, pag ayaw niya, edi sunod ako. Kapag ako naman may ayaw, sunod din sya. Pwede din namang pag usapan para makatagpo kayo sa iisang desisyon.

Ako sis never ako nagpost na preggy ako o ano pa man.. mag friends, family ko lang tlg nakakaalam, ndi sa ndi ako proud. Pero para sa akin privacy ko nlng dn yun at masaya naman ako na ndi ganun kaexpose ung pagbubuntis ko ang mahalaga lang sa akin ung baby ko at kahit paano maayos ang buhay ko.

VIP Member

Pareho kami ng partner mo. Hindi mahilig magpost ng mga private na bagay including yung sa baby. Hindi naman sa hindi proud pero sakin kasi mas gusto na mga mahahalagang tao lang yung nakakaalam. Intimate ba ganun, may privacy. Hindi naman kasi lahat ng bagay kailangan i.broadcast.

Ganyan din lip ko. Para tahimik daw buhay namin. Funny thing is, almost 2 yrs na kami and mag 1 yr na baby namin, nakatago pa din kami sa friends nya. Pero todo post sya ng pics ng friends nya at naka featured photos pa. Parang di kami nag eexist sa kanya. Kala mo single at wala pamilya

4y ago

Ganun din ako, na pag buntis ako hindi ko pinopost lahat. Kasi ang mga tao ngayon mahilig sa chismis. Pero nagpopost ako. And alam ng lahat na buntis ako at sya ang ama. Kasi iniiwasan ko din yung ganyang eksena kasi yung dati kong partner nagloko sakin.

Hindi naman po siguro na hindi siya proud, ako gusto ko ding magpopost sa fb, pero napag usapan namin na wag na muna.. Totoong maraming mangengealam, ng kung ano dapat mong gawin etc.. Chuchu.. Ganun.. Kasi mas gusto namin paglabas nalang tlaga ni baby kami magpopost..

Hindi naman sa hindi proud mas okay kasi na private din ang life kesa ishowcast lagi sa social media. Siguro posting a few info about your pregnancy is okay but not too much to the extent na every detail ng visit sa hosp or ultrasound ay ipopost lagi sa social media. 😊

VIP Member

may mga tao po kasing hindi ma-social media. ganon partner ko, mag bf gf pa lang kami ayaw nya na magpopost ako AGAD ng pic namin. hanggang sa nagka baby na kami 2yrs old na ngayon nahawa na ako sa kanya hindi nako lagi nagpopost. okay naman sakin maganda rin ganon ☺️

Naku Mommy baka private lang talaga siya. Kami po 24weeks nako d pa kami nag post sa social media ni gender ni baby. Baka ayaw lang nya masyado pinaguusapan. Kasi sabi ung iba daw d naman wish na positive may iba negative ang reaction. Para lang makaiwas quiet na lang

Wag ka mastress sis. Never din akong nagpost about sa pregnancy ko kahit super excited ako since 1st time ko. Ayoko lang din na malaman ng iba dahil baka may masabi sila. Family and workmates lang may alam ng pagbubuntis ko. Kalma ka lang, for sure excited hubby mo.

Ako din sis, gusto ko din magpost pero pinipigilan ko 😂 Mag mamyday lang ako minsan. Gusto ko din paglabas na ni baby, madami kcng nangingialam talaga, baka mamaya yung inggit sayo, ipakulam ka, although di ako naniniwala sa kulam, nakakatakot parin.