Normal delivery

Bakit ganun skl ah Kailangan after 10 days bago dapat maligo e halos init na init na ako sa sarili ko pero ung midwife sinabihan na ako na pwede na daw ako maligo dahil sa temperature daw ng init ko nasa 72 kaya pwede na daw maligo kaya nung naligo ako parang may mali kase gusto ng mother at father ng hubbyko e after 10 days Sa isip ko sana sila nalang nag paka midwife saken ung nakakasama lang ng loob

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

For hygiene kasi mommy kaya pinapaligo tayo ng mga doctor or midwife. Kasi ako pinaligo agad kinabukasan. Lalo na pag nag breastfeed ka, kailangan palaging malinis katawan mo kasi si baby dumedede sayo. At syempre yung tahi mo kailangan palaging malinis para di mainfect. At about sa inlaws mo, ganyan kasi nung unang panahon, dapat ganito ganyan. Pati nga pag ni regla ka, dapat daw di ka maligo sa entire time ng regla mo. Kaya alam nila dati pag may regla ka kasi yung amoy mo medyo malangsa kasi nga di sila pinapaligo.

Magbasa pa
5y ago

Swerte mo sis wala kang tahi. Huhuhu. Mabilis lang ang recovery mo. See, di ka masyadong mabibinat dahil wala ka tahi. Ako 2 weeks bago maka lakad at maka galaw ng maayos. Congratulations sis.

Ako naman I always ask si mama kung pwedi naba ako maligo kasi sobrang init na nako diko na kaya kahit umuulan oa iba padin naligo yun naligo naman ako 8days ng makapanganak ako pero kinabukasn bawal maligo yung kasunud na araw nalang daw pwede na basta lagi nalang ako sasalmpak sa sahig na may tela at binuhusan ng maligamgam na tubig at panligo ko maligamgam din .

Magbasa pa

Ako nga naligo the next day nung nanganak ako normal delivery kasi kasagsagan ng summer. Okay lang naman daw sabi ng OB ko. Wala naman nangyari. Listen to doctors more. Oo andun na tau concern sau un mga matatanda pero wala naman basehan mga sinasabi nila mga nadinig lang din nila yon sa mga matatanda din sakanila..

Magbasa pa

Para iwas binat daw po ayon sa mga matatanda. I think, 15 days bago ako nakaligo pero saglitan lang yun hindi daw pwede mag tagal kasi baka lamigin, mahirap na. Hindi ko bet ang ganon pero no choice ako kasi nasa probinsya ako. Punas-punas na lang muna. Tiis po ng konti

I listen more sa doctors kesa sa mga matatanda sa paligid kasi lumang nakasanayan na yung mga advice nila eh. I took a bath 2days after I gave birth via C-section at okay naman po ako. Never ko naexperience mabinat, turning 4yrs old na yung baby ko.

Ligo ka lang sis, ok lang yan .. kahit maligamgam nlang muna panliligo mo kung nag aalangan ka .. kasi mas prone po sa infection kapag hihintayin mo pa ang 10days .. tsaka lagi mo katabi si baby, dapat lang po na laging malinis ..

Yung mga kasabihan ng matatanda na yan mga mukang tanga lang wala naman basehan. Sa mga doctors may basis yung mga pinagsasabi nila kase pinagaralan nila yan. Kaya mas makinig sa mga doctor kesa sa mga kasabihan na yan na walang kwenta

5y ago

G na g ka naman. Dyan ka din lumaki sa mga kasabihan ng matatanda. Mas advance nalang talaga panahon ngayon kasi mas accessible na ung mga information na kailangan natin.

Ako nun kinabukasan pinaligo agad ako ng midwife.. Ang mga matatanda my pamahiin kc sila kaya ganun wag daw agad agad maligo.. Pero ako kc hindi ako naniniwala sa mga pamahiin..anyway I'm 8 weeks preggy with my 3rd baby😊

Pwd kang maligo. Good hygeine yun. Pangit naman pag mag bbreast c baby at masangsang yung amoy ni mommy diba? Itanong mo sa in-laws mo kung saang libro nila nabasa na hindi pwdeng maligo.

Sakin sinunod ko muna tradition ng mga matatanda nung nakunan ako. Dami ko din reklamo nun. Pero thankful pa rin kasi kahit papano less complications ngayong pagbubuntis ko.