Pa-vent out lang po kasi walang makakaintindi sakin dito.

Bakit ganun? Ang hirap hirap ng buhay. Nakaka-ano kasi naiisip ko deserve ko ba to? Ganun ba ako kasamang tao na ganto nabibigay sakin. Sabagay, di naman ako perpekto at may mga nagawa din akong malaking pagkakamali sa buhay ko. Ganto talaga nagagawa ng kakulangan ng pera sa buhay no? Hahaha. Napapaisip ka na lang na hindi ba nakikinig ang Diyos? Kung nakikinig man Siya, wala lang ba ako sakanya? Kung galit siya sakin, bakit nadadamay pa ang mga mahal ko sa buhay? Alam ko may mga mas malala pang sitwasyon kaysa sakin. Things could be worse and that's why I'm thankful na pero I can't help but look for more. To work and to work and to work all my life and still wala man lang maangat kahit konti. Palala lang nang palala lahat. One problem after another lagi ang situation. Masyado ba akong narcissistic to ask for more? Hindi ba ako humble? Sige na, sermonan niyo na ako on how ungrateful I am haha. I can acknowledge my blessings naman and I'm thankful enough. I guess I just have to work harder than before because it's never enough

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi Mommy, para sa akin tayong mga tao ay wala talagang kakuntentuhan sa buhay. Aminin na natin yan. Naiinggit tayo sa mga bagay na meron ang iba na wala sa atin pero hindi natin alam na may naiinggit din pala sa atin na kung anong meron tayo. Sunod sunod na problema? 2 reason lang meron si God for sure. Una, siguro alam Niya kung gaano ka kastrong sa lahat ng pagsubok na meron ka ngayon or pangalawa, gusto Niyang kausapin mo Siya. Baka namimiss ka din niya. In this life, we have to look for the brighter side. Sa totoo lang hindi naman talaga mauubusan ng problema ang tao. Nasa sa atin lang ito kung paano natin mahahandle. 😊

Magbasa pa