Bakit ganun.

Bakit ganun? Ang daming nagtatanong dito kung safe ba yung gamot na nireseta mismo ng OB nyo? I mean, kinekwestyon mo ang credibility ng OB mo? Sigurado naman ako na di tayo bibigyan ng OB natin ng gamot na ikapapahamak natin. Ang tagal nilang nag aral (10 years sa med school + Specializations pa) para lang kwestiyunin yung kredibilidad nila? Don't get me wrong. Nagtataka lang ako bat may mga ganun dito. Did you seriously think na itataya ng OB natin ang hard earned license nila sa basta basta pagrereseta ng gamot? I highly doubt that.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ung ibang mommy kasi kahit niresetahan ng ob at sasabihin ng kamag anak n bwal yung ganito ganian kaya nagtatanung din sila lalo n kung s center lang sila nagpapacheck up ganun, patience namn mga mommy marami po first tym mom dito yung iba takot lang, katulad ng kapitbahay namin namiscarriage hindi dahil s may problema sya kundi sa may gamot sinabi nia na my uti sya binigyan sya ng gamot 3x a day na antibiotic 8 weeks palng daw tiyan niya , tapos inulit pa pagkatpos nia ng 1 week ang nangyari naover daw s gamot ung baby hindi nkayanan dahil s antibiotic thats why may mga mommy na nagtatanung tlga

Magbasa pa
VIP Member

For me, meron talagang mga mommies na di masyado nagtitiwala agad and paranoid pagdating sa babies. Need nila assurance from other mommies din. Wala naman siguro masama magtanong. If ayaw nyo sagutin skip na lang. May experience din kasi ako during lockdown na yung OB na pinagpa checkup-an ko is di na masyado reliable dahil na rin sa old age. Pina stop nya lahat ng meds ko from my previous OB pero buti na lang nakapag pa consult ako online na wag ko daw i-stop. Kung may mapagtatanungan ka naman why not diba 😊 Better to ask questions lalo na kung in doubt 🙂

Magbasa pa
5y ago

Totoo rin naman po talaga na mga instances na ganun. Wala rin naman problema sakin na sumagot ng concerns ng ibang mommies dito. Pero wag naman po sana ganun na parang mas naniniwala ka pa sa sabi sabi lalo na kung pagdating sa gamot. It's better to seek professional help pa rin.

Kapag nagpapacheck-up ako madami ako tinatanong sa OB ko. Naglilist down pa ako. Kapag meron ako nararamdaman nagreresearch ako online. Kapag meron nagpopost ng ultrasound dito at unfamiliar saken sinesearch ko din, wag basta mag ask dpt mag research din lahat naman nasa online na eh kung hnd pdin magets edi consult OB. Mahirap maniwala sa sabi-sabi ng ibang tao dhil iba-iba ang pagbubuntis.

Magbasa pa
VIP Member

minsan ganya din Tau pag Hindi sigurado khit pa OB Ang ngreseta NG second opinion pa Rin sila , mga NG iingat Lang . Tiaka marunong Ang ngtatanong☺️

Nakakapikon at nakakatanga yang mga gnyan tanong. 🙄 mas mag tiwala sila sa mga buntis dito kaysa sa mga reseta ng mga OB nila juzko!

Tsaka ung hindi naniniwala sa OB about sa gender ng baby nila. Sinabi na nga ng OB, mas maniniwala pa sa mga sabi sabi. 🤦

Oo nga po. Lalo na yung nagtatanong kung positive ang pt at nagtatanong ng gender ni baby. Pero sakin okay lang naman. 😁

Need kasi ng second opinion or di kaya need if proven and tested lalo na kapag nagbiingat talaga

True! Mas gusto pa nilang paniwalaan yung mga comments at sinasabi ng iba kesa sa OB. Tsk Tsk!

totoo! need pa ng second opinion sa groups. kung di ka tiwala sa Ob mo, lumipat ka!