Bakit ganun.

Bakit ganun? Ang daming nagtatanong dito kung safe ba yung gamot na nireseta mismo ng OB nyo? I mean, kinekwestyon mo ang credibility ng OB mo? Sigurado naman ako na di tayo bibigyan ng OB natin ng gamot na ikapapahamak natin. Ang tagal nilang nag aral (10 years sa med school + Specializations pa) para lang kwestiyunin yung kredibilidad nila? Don't get me wrong. Nagtataka lang ako bat may mga ganun dito. Did you seriously think na itataya ng OB natin ang hard earned license nila sa basta basta pagrereseta ng gamot? I highly doubt that.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ung ibang mommy kasi kahit niresetahan ng ob at sasabihin ng kamag anak n bwal yung ganito ganian kaya nagtatanung din sila lalo n kung s center lang sila nagpapacheck up ganun, patience namn mga mommy marami po first tym mom dito yung iba takot lang, katulad ng kapitbahay namin namiscarriage hindi dahil s may problema sya kundi sa may gamot sinabi nia na my uti sya binigyan sya ng gamot 3x a day na antibiotic 8 weeks palng daw tiyan niya , tapos inulit pa pagkatpos nia ng 1 week ang nangyari naover daw s gamot ung baby hindi nkayanan dahil s antibiotic thats why may mga mommy na nagtatanung tlga

Magbasa pa