CS and Normal Delivery

Bakit ganun? Ang dami nagsasabi masakit yung CS? Pero yung mga nakakausap ko na na CS sinasabi na hindi naman daw. Mas masakit pa daw mag labor? Yung pain daw pagkagising after ma CS tolerable naman. Share niyo naman po experience nyo hehe. Di ko pa po kasi alam kung pwede ako mag normal delivery or baka CS na ako. Coil cord po kasi si baby, pero single lang naman. Sabi ni OB kung mahaba ung cord, pwede bila mahila pababa at mag normal ako. Pero dipa po sure e. Malalaman pa 2 weeks before ng due date ko. So, gusto ko iready sarili ko sa CS or Normal ?

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po muntik ng ma CS pero pinagpilitan po ng mother ko na kaya ko daw po. thank God at nairaos ko po via NSD. base po sa mga kakilala ko din na na-CS ok naman daw tolerable ang pain, pero minsan masakit daw ang tahi pag malamig, yung iba ok naman. pero para po sa akin na Normal Delivery, opo masakit maglabor, masakit sa katawan lahat na heheh pero after po ng ilang weeks ok na naman. And ang pinakapinagpapasalamat ko ay kung ano po ang kaya kong gawin nuon ay nagagawa ko padin ngayon.. katulad ng pagbubuhat ng mabigat.. bukod diyan mas less ang expenses kapag normal delivery compare to CS..

Magbasa pa