CS and Normal Delivery

Bakit ganun? Ang dami nagsasabi masakit yung CS? Pero yung mga nakakausap ko na na CS sinasabi na hindi naman daw. Mas masakit pa daw mag labor? Yung pain daw pagkagising after ma CS tolerable naman. Share niyo naman po experience nyo hehe. Di ko pa po kasi alam kung pwede ako mag normal delivery or baka CS na ako. Coil cord po kasi si baby, pero single lang naman. Sabi ni OB kung mahaba ung cord, pwede bila mahila pababa at mag normal ako. Pero dipa po sure e. Malalaman pa 2 weeks before ng due date ko. So, gusto ko iready sarili ko sa CS or Normal ?

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tingin ko po same lang na mahirap o masakit ang normal delivery at cs, base on my experience po cs ako first time mom sobrang sakit ng labor hindi ko makalimutan yung sakit until now pag naalala ko parang nakkita ko sarili ko noon habang nag lalabor, dagdagan pa ng turok ng anesthesia sa likod sobrang sakit talaga ang hirap. Tapos yung recovery mo pa matagal dn sakin inabot ng 1 month bago ko nakakilos ulit ng normal lagi akong dahan dahan nun sa pag lakad, pag kilos ksi ramdam ko yung sugat ko na parang bubuka lalo pag nababahin at nauubo o tatawa, plus effect pa ng anesthesia sa katawan na parang bugbog yung katawan mo sa sakit. Pero after that po naging normal ndin ulit lahat. Now parang walang nangyare normal na normal na meron nga lang scars. :)

Magbasa pa