CS and Normal Delivery

Bakit ganun? Ang dami nagsasabi masakit yung CS? Pero yung mga nakakausap ko na na CS sinasabi na hindi naman daw. Mas masakit pa daw mag labor? Yung pain daw pagkagising after ma CS tolerable naman. Share niyo naman po experience nyo hehe. Di ko pa po kasi alam kung pwede ako mag normal delivery or baka CS na ako. Coil cord po kasi si baby, pero single lang naman. Sabi ni OB kung mahaba ung cord, pwede bila mahila pababa at mag normal ako. Pero dipa po sure e. Malalaman pa 2 weeks before ng due date ko. So, gusto ko iready sarili ko sa CS or Normal ?

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako po sa baby boy ko is normal delivery ako, di xa masakit kasi hindi ako nahiwaan, liit kasi si baby.. Sa baby girl ko naman is CS ako, cordcoil din kasi si baby.. Sabi ng OB ko, nakasabit daw yung pusod nya sa isang paa nya kaya di xa bumababa.. Di ko naman naramdaman yung pain kasi pinatulog ako while operation taz nagising na lang akong nasa room na ko.. Ang kaibahan lang po kasi kapag CS ka is hindi ka nakakagalaw masyado kasi kailangan mong ingatan yung tahi mo, may tendency kasi na baka bumuka at mainfect.. But all in all tolerable naman..

Magbasa pa
4y ago

Yun din po ang di ko maintindihan ei kasi the day before ako nanganak, nagpa ultrasound pa ako at ang sabi normal naman position ni baby and all.. 10pm po kami dumating ng hospital kasi kumikirot na ang tyan ko, tapos IE kaagad nila ako and all the pasakit sabi 4cm pa daw.. At 4am 8cm na.. Yung mga nurse lang nag aasikaso sakin taz super hina ko na po kasi walang tulog tapos labas na halos lahat ng dugo at panubigan ko pero wala pa rin yung OB ko.. May nilalagay pa silang parang monitor ng heartbeat ni baby which is kapag nilalagay nila sa tyan ko mas lalong sumasakit.. 10am na dumating si OB, sa sobrang hina ko, alam ko di ko na kakayanin pang umiri kaya nagpa CS na lang ako.. After nun sinabi ng OB ko na cordcoil daw si baby, na yung pusod nya is sumabit sa ankle nya.. Halos lahat din ng client ni OB puro CS.. So ayun sobra 100K nagastos namin sa hospital with philhealth pa po yan..