CS and Normal Delivery

Bakit ganun? Ang dami nagsasabi masakit yung CS? Pero yung mga nakakausap ko na na CS sinasabi na hindi naman daw. Mas masakit pa daw mag labor? Yung pain daw pagkagising after ma CS tolerable naman. Share niyo naman po experience nyo hehe. Di ko pa po kasi alam kung pwede ako mag normal delivery or baka CS na ako. Coil cord po kasi si baby, pero single lang naman. Sabi ni OB kung mahaba ung cord, pwede bila mahila pababa at mag normal ako. Pero dipa po sure e. Malalaman pa 2 weeks before ng due date ko. So, gusto ko iready sarili ko sa CS or Normal ?

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

For me po mas okey yung Normal delivery, 10 hours ako naglabor , Grabe parang gusto ko na bumigay nun. Pero kapag nandyan na si baby grabe worth it lahat ng sakit na naranasan mo, kapag ipinatong na sya sa dibdib mo, sobrang sarap sa pakiramdam . Kapag Normal Delivery ilang weeks lang okey na yung tahi mo. Makakarecover ka kagad. β™₯️😊

Magbasa pa