CS and Normal Delivery

Bakit ganun? Ang dami nagsasabi masakit yung CS? Pero yung mga nakakausap ko na na CS sinasabi na hindi naman daw. Mas masakit pa daw mag labor? Yung pain daw pagkagising after ma CS tolerable naman. Share niyo naman po experience nyo hehe. Di ko pa po kasi alam kung pwede ako mag normal delivery or baka CS na ako. Coil cord po kasi si baby, pero single lang naman. Sabi ni OB kung mahaba ung cord, pwede bila mahila pababa at mag normal ako. Pero dipa po sure e. Malalaman pa 2 weeks before ng due date ko. So, gusto ko iready sarili ko sa CS or Normal ?

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

For me mas mahirap ang Normal kasi magle labor ka depende sa progress yung iba naii stock sa kung anong CM sila at yung iba naman madali lang mag move yung progress may mga inaabot ng 3days or 24hours or 48hrs. Once na in labor kana kapag 4cm ka palang ramdam muna yung sakit na parang gusto mo sumampal pero ang pinaka malala pag umakyat na yung CM parang gusto muna ilabas yung bata sa sobrang sakit at maiisip mung ma CS nalang. Ako CS ako, tolerable yung sakit pero ang naramdaman ko nuon yung tinurok nila sa likod ko masakit kasi yung anesthesia kaya napaigtad ako ng kunti kahit dalawa sila nakahawak sakin pero once na hindi kana nila tinurukan ng pain reliever at tinanggal dextrose mo, dun mo mararamdaman yung hapdi lalo na paglalakad kasi parang yung gravity nasa may sugat mo sobrang bigat parang may binubuhat kang ilang toneladang bato. Pero mas maganda parin pag CS talaga kahit matagal magrecover.

Magbasa pa
4y ago

Ako pinatayo ako agad after 8 hrs. Ang bigat parang karga mo yung gravity. HAHAHA