Sobrang nakakapagod na.. 😔

Bakit ganito? Pagod na pagod na ako. Pagod na kong umiyak, pero hindi ko rin mapigilan. Lalo na sa gabi, kapag mag-isa na lang ako, roon bumabalik lahat. Ang daming pumapasok sa isip ko, ang daming tanong, ang daming sakit. Alam kong hindi ito nakakabuti, lalo na sa kalagayan ko at sa batang dinadala ko. Pero sa ngayon, pag-iyak lang ang tanging paraan ko para mailabas lahat ng bigat na nararamdaman ko. Ito lang ang alam kong paraan para kahit papaano, gumaan kahit kaunti ang dibdib ko.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sending hug Mommy 🥰kung Wala kang masumbungan mi Kay Lord mo Sabihin lahat at iiyak mo sa kanya LAHAT sabihin mo sa kanya lahat mii.. minsan kase kapag ekwento natin sa kaibigan natin Yung problema Hindi natin alam ekwento din nya sa iba.Sabihin mo lahat Kay Lord yung hinanakit mo, dahilan ng pag iyak mo.

Magbasa pa