Ma. Elena Mediavilla profile icon
GoldGold

Ma. Elena Mediavilla, Philippines

Contributor

About Ma. Elena Mediavilla

Taking it day by day with love, strength, and so much hope for what’s ahead. 🩵

My Orders
Posts(25)
Replies(4)
Articles(0)

Salamat, Anak, sa Pagkapit

Nakakaramdam ako ngayon ng matinding lungkot at takot. Kakabalita ko lang na nakunan ang pinsan kong buntis din. Ang bigat sa dibdib. Lalo akong natakot kasi halos pareho kami ng pinagdaanan, ilang araw lang ang nakakalipas nang ako naman ang muntik na ring mawalan. Pero heto ako ngayon… unti-unting nagrerecover, at higit sa lahat, ikaw, anak, patuloy na kumakapit. Nalulungkot ako para sa pinsan ko, pero hindi ko rin maipaliwanag ‘yung nararamdaman ko. Hindi ko maalis sa isip na kahit ilang beses akong nanghina, nariyan ka pa rin. At oo, may mga sandali ring napapaisip ako… “Paano kung wala ka na rin?” Hindi dahil ayokong mabuhay ka, anak. Kundi dahil natatakot ako, sa buhay na naghihintay sa’yo, sa gulo ng sitwasyon ko, sa takot at lungkot na dala ng relasyon namin ng tatay mo. Alam kong hindi sapat ang presensya ng tatay mo. Alam kong hindi ito ang pamilyang pangarap ko para sa’yo. Pero ito ang totoo: kahit nabuo ka sa isang maling panahon, hinding-hindi naging mali ang pagkabuo mo. Hindi ko pinagsisisihang dumating ka. Sa totoo lang, mas madalas akong humahanga sa’yo, kasi habang ako ay nanghihina, ikaw ay kumakapit. Ikaw ang paalala sa akin na kailangan kong lumaban, magpakatatag, at buuin muli ang sarili ko. Pasensya ka na, anak, kung may mga panahong nadadala ako ng lungkot at pagod. Pero kahit ganito, tandaan mong mahal na mahal kita. At araw-araw akong nagpapasalamat dahil pinipili mong manatili. Salamat sa patuloy mong pagkapit. Dahil sa’yo, alam kong may dahilan pa akong bumangon. Mahal na mahal kita, anak. Sobra. 🤍

Read more
undefined profile icon
Write a reply
undefined profile icon
Write a reply

Para sa Aking Munting Pag-asa 🩵

Mahal kong anak, Ngayong sinusulat ko ito, ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Pasensya ka na, anak. Pasensya kung ganito si Nanay ngayon, mahina, laging pagod, at mas maraming luha kaysa ngiti. Hindi ko rin minsan maintindihan ang sarili ko. Pero isa lang ang malinaw, hindi kita pinagsisisihan. Alam ko, nabuo ka sa hindi perpektong panahon at sa isang sitwasyong maraming tao ang hindi makakaintindi. Pero kahit ganoon, ikaw ang pinili ko. Masaya ako noong nalaman kong nabubuo ka sa loob ko. Masaya ako dahil may bunga ang pagmamahalan namin ng tatay mo, kahit pa ito’y hindi nagtagal gaya ng inaasahan. Sa totoo lang, anak, mahal ko ang tatay mo, mahal na mahal. Binigay ko ang lahat, at marahil, doon ako naging marupok. Pinangarap kong buo tayo, sabay ka naming hinintay at salubungin ka sa mundo. Pero hindi ganon ang nangyari. Iniwan ako ng realidad, at ngayon, mag-isa kong nilalabanan ang sakit. Hindi ko sinasadya na maging makasarili. Minsan inuuna ko ang sarili kong lungkot at sakit at nakakalimutan kong may isang maliit na buhay sa loob ko na tahimik lang na nangangailangan. Pasensya na, anak. Pero gusto kong malaman mo, ikaw ang dahilan kung bakit pilit pa rin akong lumalaban. Hindi pa kita nahahawakan pero mahal na mahal na kita. Ikaw ang liwanag sa lahat ng dilim na pinagdaraanan ko ngayon. At kahit hindi ko alam kung paano haharapin ang lahat, ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para sa’yo. Ipaglalaban kita, aalagaan kita, at mamahalin ko ang sarili ko, dahil kailangan mo ako. Alam ko rin na mahal ka ng tatay mo, pero magulo lang ang mundo niya ngayon. Kaya pinili ko munang lumayo, hindi para ipagkait ka, kundi para mas maprotektahan kita habang mahina pa si Nanay. Darating ang araw na magiging mas matatag ako, at mas maibibigay ko ang mundong nararapat sa’yo. Kaya anak, habang nandiyan ka sa loob ko, sana maramdaman mo kung gaano kita kamahal. Sana maramdaman mo na kahit lumuluha si Nanay, araw-araw niya pa ring pinipili na mabuhay, para sa’yo. Ikaw ang pag-asa ko. Ikaw ang dahilan ng lakas ko. Ikaw ang munting himala ko. Mahal na mahal kita, anak. At ipapangako ko sa sarili ko, hinding-hindi kita pababayaan. – Kay Nanay, na patuloy na lalaban para sa’yo 🌻

Read more
undefined profile icon
Write a reply
undefined profile icon
Write a reply

A Letter from My Heart 🩵

To my parents and to the father of my child, These days, I carry a heaviness inside me that’s difficult to explain. You are the people I love most, and yet it is because of you that I feel this overwhelming sadness in my heart. I want to be angry, but I can’t. Because the truth is, I love you deeply, and no amount of misunderstanding can ever change that. I know I’m far from perfect. I’ve made mistakes, and I’m still learning. But right now, everything feels so heavy and confusing. My mind is a mess, and my heart is even more so. With everything happening in my life, especially in this new chapter I’m about to face, I need you more than ever. Yet somehow, I feel so far away from you, because of the hurt I’ve been carrying inside. To my parents, I know I’ve disappointed you. I know I’ve caused pain, and that pain never leaves my heart. I feel your concern for me, and I know you only want the best. But sometimes the words you say, even if they come from love, cut me deeply. I’m sorry if I seem distant, and if it looks like I’ve hardened my heart. Truth is, this is just the only way I know how to look strong, so I won’t bother you with my burdens. But if you only knew how much I long for your comfort, for your embrace. I miss the feeling of being cared for. I am so tired, and all I want is to feel safe in your love again. Please forgive me if I’m not able to say this out loud. I need you, now more than ever. To the father of my child, If you only knew how much I love you and how much joy it brings me to carry the child we once dreamed of. I still remember how happy we were, imagining this future together, becoming parents, raising a child, building a life. But now, that joy is mixed with sorrow. Not because I don’t want this child, but because you’re not here the way I need you to be. Yes, you are physically present, but something between us has changed. And that’s what hurts the most. I feel like I’m facing this dream alone, something we once promised to do side by side. I want to blame you for the pain, I want to be angry at you for leaving me emotionally when I need your presence the most. But even in all that, I still wish for us to find our way back to peace. I pray that in time, I find healing, for the pain I feel, and for the distance that now exists between me and the people I hold dear. I hope the day will come when all this bitterness fades, when my heart can fully forgive, and when love can take its place again. Despite it all, I remain hopeful. I believe that things can still turn around, and that someday, we will all understand each other better. I pray for strength, not only for me but for all of us. Because soon, a little soul will come into this world, and I want to welcome that child with joy, love, and peace in my heart. I may be struggling now, but I am choosing to move forward with faith. I will keep hoping for better days, for reconciliation, for forgiveness, and for a brighter tomorrow. 🌻

Read more
undefined profile icon
Write a reply