Ilang months bago mo naramdaman na baka buntis ka?

Comment below kung ano'ng naging clue mo.
Comment below kung ano'ng naging clue mo.
Voice your Opinion
1 month
2 months
3 months
OTHERS (leave a comment)

1073 responses

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Irregular period ako . Super unexpected yung pregnancy ko kasi may time na umabot ng 6 months bago ako datnan . Almost 2 weeks sumakit yung puson at dede ko,hindi ako dinatnan nang buwan na yun . Then sumunod na buwan nagkaroon ako ng spotting for 4 days(as in patak lang ) . Nagsuspetsa lang akong buntis na ako nung biglang naging antukin ako at mabilis mapagod . Kaya after that, nagtry akong magPT then boom positive . 1month lang nalaman ko na

Magbasa pa

noong na delay menstruation ko 1 day, Kasi every month recorded kasi ang monthly dalaw ko, kaya yung akin na detect ko na kaagad, tapos makalipas ilang weeks may mga early pregnancy symptoms na akong naramdaman noon, masakit ang dede ko, madali na ako hinihingal..napakatamad ko na sa work.

1 month palang po..actually wla akong idea nung time na un sobra kong inuubo..nasa office ako..ng cr ako then wala lang as in naisipan ko langag take ng pt .kasi lagi ako may extra sa bag..and ayun nga di ko inakala na preggy ako😊😊😊

TapFluencer

Feb 1 unang regla ko. mga ilang weeks lagi ko sinisikmura parang iba na pakiramdam ko non. kaya nong Feb 25 ng gabi at Feb ng 26 ng umaga nagtry na ko magpt. positive ang dlawa.

Post reply image

3 months lagi akong gutom lagi ako nagsusuka 😁 pinag pt ako bumili ako ng 2 para sure positive bumili ulit ako ng 3 positive now mag 5 months preggy nako sa 21 😘

TapFluencer

hindi kasi aq monthly eh kaya hindi ko agad nalalaman na buntis aq... tas minsan nag PT aq... positive 2 beses..yung pang 3rd ko negative... magulo din minsan

hindi ko naisip kung ilang month felling ko lang buntis ako kasi nakakaramdam ako ng hilo at antok nun nasa work ako na parang tamad na tamad ako kumilos.

1month nilalagnat ako isang gabi lang grabe ang lagnat ko at nagka reflux acid ako hang gang ngayon araw2 minuto at segundo 13weeks na po ako ngayon😍

mga 3weeks kc delay ako kla ko rereglahin din ako yun pla buntis nku pero blessings samin kc baby girl na sya at yun ang matagal nmin inaantay

2months, akala ko magkakaron lang ako pero pinag pt ako ng asawa ko dahil kakaiba daw ako haha ayun super positive 2 months na kasi pala 🤣