![Kaya mo bang iwan ang anak mo para mag-trabaho sa ibang bansa?](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/assets/question_images/thumb_15749181271331.jpg?quality=90&height=400&width=500&crop_gravity=center)
7507 responses
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Oo, ofw here. Aminin na natin may kanya kanya tayong kapalaran bilang tao. Naging kapalaran namin ng asawa dito sa Saudi mag work, ang anak namin nasa Pinas with his Lola. Sobrang hirap pero para naman sa future naman niya to kaya kami nag sasakripisyo malayo sa kanya. Hindi kami mayaman, kelangan namin gawin lahat para sa anak namin. Praktikal. May awa ang Diyo, magkakasama din kami.
Magbasa paHindi. iba nagagawa ng mga anak pag nandiyan sila sa tabi mo. nagiging mas matatag ka at nagiging inspirasyon mo sila na kumayod nang todo kung sa akin lng. mas nagiging weak ako pag wla sila kasi parang hindi buo araw ko at parang may kulang sa sarili ko. They are my daily strength and they make me great each and every day kaya importante presence nila.
Magbasa paBefore talaga ako mabuntis I was considering yung pagiging OFW, target age ko 25 y/o kapag wala pa rin major changes sa finances ko because wala namang yumayaman sa pagiging teacher, mangingibang bansa na talaga ko but now na preggy na ko. Hmmmm. Parang ang hirap na i-consider. I don't think makakayanan ko pang umalis knowing na may iiwanan akong anak.
Magbasa paYup..before 2months old lng ang anak ko...iniwan kuna...now in god's well bbalik ako ulit singapore pagkaanak ko.. Its been 9yrs din ako sa singapore at dalaga at binata na mga anak ko that time kaliliitan pa nila...now babalik ako ulit...accidentally lng kase ang pagbbuntis ko ng last umuwe ako for vacation kaya di nako nkabalik...
Magbasa pasa dami ng krimen s bansa natin (kahit sa loob mismo ng bahay nangyayari), hinding hindi ko ipagpapalit ang buhay ng mga anak ko pa ibang bansa pra s pera. kailangan tatay ang umalis dahil sya ang provider. mga mommies, kailangan tayo ng mga anak natin.
hindi.kasi wala akong mapag-iiwanan sa anak ko na panatag ako. i mean, anjan ang mama ko and my in laws pero hindi ako panatag iwan sa kanila anak ko kasi di ko gusto outlook nila sa pagpapalaki ng bata. ngayon pa lang, nipi-pressure na nila anak ko.
Sa ngayon wala pa sa isip namin ng asawa ko magabroad. Sa manila nga lang kami nagwowork pero grabi na namin mamiss anak namin lalo na ngsyon magiging dalawa na sila. So far naman sapat at may sobra pa sa sweldo namin ni hubby ung mga needs namin.
Hindi ko kaya. Yung pagpunta nga lang sa Supermarket to buy some stuff na hindi ko kasama ang baby ko, sobrang namimiss ko na sya agad e, what more yung ibang bansa pa at ilang years na di ko sila makikita, parang nakakaloka😔
Kailangan eh, may mga kapatid pa akong nasa elem na pag-aaralin. Part of, nagsisisi ako kasi diko pa naiaahon pamilya ko sa hirap tas nabuntis ako agad tho tanggap naman na nila. Isa o dalawang taon lang at kukunin na namin yung anak ko.
Nasa UAE ako ngayun. Balak dati ni hubby na i-uwi daw si baby pagka panganak ko. Pero nung dumating na si baby. D ko pala kaya na malayo sya sa akin. Kaya dito nalang kami. Gusto kong makita ung baby ko na lumaki kasama kami. 😊