sustento para sa anak sa iba

bago pa kmi makasal nang mister ko ay my anak na sya sa labas at isang taon na silang hiwalay nang nanay nang anak nya bago kmi magkakilala. nagbibigay naman c mister kahit papaanu mula noon. kahit maliit at malaki palaging d kuntento ang nanay minsan para lng makapadala c mister pati sahod ko naibibigay ko na kahit noon pa.. at ngayon kasal na kami ganoon parin palaging nirarason is kesyo walang trabaho ang nanay nang bata.. hindi naman gusto ipakita o ibigay ang bata sa mister ko. kahit hanggang ngayon ni piso wala akong makuha sa mister ko ako pa yung nakukuhaan ei hindi naman kasi kalakihan ang sahod especially pag sa province.. tanong ko po ilan po bang porsyento pwedeng maibigay nang mister ko sa anak nyo sa iba based sa sahod nya? naaawa na kasi ako sa sarili ko..

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako may ex din ako na inoobliga ko magsustento sa anak nya sakin. may work ako pero ang reason ko is maging responsable sya sa ginawa nyang buhay sa mundo. ang tanong sayo magkano.ba nag hinihingi nya? ako kase 3k a month sobrang kulang pa para sa grade 2.na bata. sinasabi ng asawa nya na same kayo ng sutwasyon na kesyo wala na natitira sa sweldo aba hindi ba kasalanan din ng asawa nya at kinukunsinte nyang di dumiskarte ang lalaki. maghabap ng mas malaking sweldo at hatiin s akung ilan ang anak nya at sa knyang sarili mismo? mabilis magsabi na demanding ang naiwanan ng anak sa pera dahil inuubliga pero putcha di ba dapat mas magkusa ang lalaki na magbigay ng mas higit pa ng di sinasabe dahil salaula sya. walang karapatam ang bagong misis na pagsabihan ang mga tulad ko na iniwanan ng anak kung hindi sya nag nasa sitwasyon. ano tatanggap na lang ba ako ng limos kawawa naman ang anak ko. pinapili ko namna eh sustentong matino o kulong na lang since kaya ko naman igapang magisa ang anak ko. tandaan na ang sustento ay responsibilidad hindi limos. compute the needs ng kid at kung ilan ang anak at kung magkano ang sweldo.

Magbasa pa
2y ago

sa legalities po 4k-6k po pag toddler every month. given kumikita ng 12-16k ang mga workers ngayon. so ung tira para sa self nya and para sa ipon. hindi po.dapat sustentuhan ang nanay. ung anak.lang po. sa pao papasulatin ang nanay sa mga needs ng bata then divided it to two. I suggest u do the same kesa tanggalan mo ng kakaringot na sustento ung bata. ung 6k po okay na un kung di pa naman nag aaral ang bata dahil inflation po andito na sa era natin. if gusto mo po ma fix. ibigay nyo lang ung 6k a month na sustento pag nag paabugado sya mas maliit makukuha nya if sinasagad nya kayo and the judge will require her to get a job

kahit po sana sa brgy. mag usap un 2 partido kung magkano dapat ang sustento, karapatan ng ama n makita ang anak at dapat po itinatabi nyo un ebidensya n nagpapadala kau para hindi kau mabaligtad ng hindi nagsusustento, aq may anak aq sa una pero never ko hiningan ng sustento yun ama ng anak ko basta usapan nmin noon s brgy. wala xa habol sa anak ko total ayaw nmn nya panagutan 18 years old n anak ko at ngaun nagpaparamdam un ama nya dahil mapapakinabangan n nya, tanggap nmn ang anak ko ng naging asawa ko at sinusoprtuhan so no need s lalaking walang bayag

Magbasa pa

Mahirap yan dapat talaga may kasulatan kayo. At sabihin kung magkano lang ang kaya maibigay. at hindi niyo kasalanan kung ang nanay ng bata ay walang trabaho. Ina siya at tungkulin nya din buhayin ang anak nya. Hindi pwede na basta hihinge lang ng hihinge. maganda may kasulatan. Kase kung wala aabusuhin kayo nyan. Hindi pwede na umaasa nalang siya sa ayuda na ibinibigay niyo.

Magbasa pa

may anak po ba kayo ni mister?? Si mister po bahala magsustento sa anak nia ... Hindi nio po obligasyon magbigay na nanggagaling sa sahod nio ..Dapat po si mister nag aabot padin ng panggastos syo ..Dipo rason na walang trabaho ang nanay para hingan ng hingan ang ama .. Paano naman po kayo ...wag nio pong sanayin na ganyan...

Magbasa pa
2y ago

noong nakaraan po ako po nagpadala sa bata.. nag chat yung mother in law ko sa husband ko na sabi dw nang babae ako dw nagpadala baka dw po pinipigilan ko sabihan dw ako nang mister ko na responsibilidad nya ang bata. ei sakin na nga po yung pera ei sarili ko na yun

yan ang hirap pg nakapagasawa ka ng may sabit. nakakalungkot at habang buhay mong pasanin yan pero dahil mahal mo asawa mo gagawin at titiisin mo lahat, ginusto mo yan e.

Mi mabuti pa daanin sa legal para fixed amount ang sustento ng asawa mo sa anak nya. Saka dapat yan sa bata lang di kasama yung nanay sa sustento

2y ago

tama at di natin sure kung saan pa pumupunta yung pera. mas maganda mag abot kayo sa korte

hyaan nyo pong mag patulfo . para doon masettle nyo yung kaya lang ng mister mo sa sahod nya .

2y ago

Mas okay na umabot sa tulfo kasi kayo ginagawa niyo naman yung best niyo para sa bata kaya wala kaba dapat ikatakot sis

matapang hiya nung babae

2y ago

super po..