Bf to bottle feeding
Back to work na 'ko next week. I tried all the tips I've read in this app. From the feeding bottle down to the techniques sa paglipat sa bottle feeding pero wala pa din. Mula ordinary na feeding bottle hanggang sa pigeon, at avent ayaw pa din ni Baby. 3 months old na siya. Nagwoworry ako kasi nakikita ko na scenario sa bahay kapag magtatrabaho na ko. Ano pa po bang dapat gawin? Breast milk pa din ang gatas niya, nagpapump lang ako always. Kanina, super iyak siya ng iyak. Nakatulugan na lang niya ang pag-iyak then 5 mins later tinry kong ipadede sakanya yung pinump ko using avent bottle, ayun naubos naman niya. Then nung nagising siya at nag play tapos nagutom, tinry ko ulit yung bago kong pump na milk, ayaw nanaman niya. Iyak na siya ng iyak. Naawa na ko di ko matiis pinadede ko na siya sakin. Nagwoworry lang ako kasi paano ko makakabalik sa work kung ganito siya :( If ever ba na iformula ko siya, tingin niyo po magwowork? Any advice po? Salamat po sa pagbabasa. #1stimemom #pleasehelp #advicepls