Meet my Little One! ????

Baby Aisha Mavis ? EDD: Dec 14,2019 DOB: Nov. 27, 2019 Via: Emergency CS Long Post ahead My Story: Nov. 25, nagising ako na basa ang kumot ko and when in got up my fluids na umagos sa pwerta ko pero hndi wiwi at hndi rin ganun kadami so ngworry ako, pero sabi ni hubby bka discharge lng.. Since kinabukasan pa ang weekly check up ko kumalma muna ako at ngbasa basa kay mareng google. Tapos omunta ako ng CR, at nakita ko my discharges ako na parang sipon sipon, pero walang color and no blood. So kumalma pdin ako. Then eto na nga, kinabukasan Nivember 26, check up day. My OB told me 1cm na ako at mababa na si baby, kelangan ko na mgpaAdmit. To make the long story short we went to the hospital 9pm and I was admitted. PagIE skin 2cm na ako.. Binigyan ako ng pangpahilab, no effect wala ako narramdamang sakit pero hndi ako mkatulog sa labor room, bawal bantay naiisip ko asawa ko na nghhintay skin sa waiting area. Tapos chineck ulit ako hndi na bumubuka cervix ko, binigyan ako pampalambot ng cervix, biglang humilab na ang tyan ko ang sakit pero manageable pdin. After contractions IE wala pdin nastock na ako sa 2cm ng ilang oras umabot ng 24 hrs at ang sakit sakit na maga na mata ko kakaiyak,dko na alam gagaain ko kasi sobrang sakit na nya akala ko bumuka na pero oagcheck wala pdin, ruptured ndin panubigan ko so hndi na ako pwede umuwe tlga, iyak ako ng iyak at ngmakaawa na mkita asawa ko buti nlng mabait ang bantay na nurse kaya pumayag na papasukin sa labir room asawa ko... Hanggang nging 28 hrs sabi ko sa OB ko "doc hndi ko na kaya mamamatay na ako sa sakit". Then sabi nya konti pa babalikan nya ako ng 6am (Nov 27) if madadagdagan ung cm ng cervix ko. But unfortunately hndi so at 6:30 am emergency CS na ako, i was asleep during operation and was awaken when I heard the best cry I have ever heard. Hndi ko napigilan umiyak kahit nginig at lambot ako.. "Anak koooo" ??? Eto na sya, eto na ung ilang buwan kong hinintay at pingdasal sa Panginoon na mging safe sa loob ko. Sulit lahat ng sakit at pagod at hirap. I am literally inlove with you my princess! PS. Saludo ako sa lahat ng nanay mapanormal delivery or CS!!! Sa mga malapit na ang due, goodluck po and keep on praying!!!! ???????

Meet my Little One! ????
203 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congratulations! Edd ko din Dec14. Check up first IE ko nung friday nov29 close cervix pa and d pa malambot, sakit nga ng ie. Niresitahan ako pampalambot evening primerose oil. Sana gumana at ilang days nlng din nman. Pasaway din,d ako nag exercise masyado muna kasi gusto ko Dec baby cya at d mapaaga. Start exercise nko now and sana sa follow up check dec6 eh malambot na cervix para d mahirapan sa labor. Ayoko ma CS :-(

Magbasa pa

parehas tayo na emergency cs ang sakin lang ung 5cm na tapos mabagal bumaba nung baby ko at bumaba na ang heartbeat at di na gumagalaw kahit ginagalaw galaw na ung tyan ko wala parin pero sa awa ng diyos nakaraos din, congrats sayo πŸ‘πŸ‘

congrats po β™₯️β™₯️β™₯️ momshie naiyak ako sa story mo.. 33weeks here excited din ako na may kaba. God bless momshie and your baby girl so adorable.. 😍😍😍

Congrats mamsh! Same tayo hanggang 2cm lang kaya na ecs din, eto nagpapagaling na ngayon. Hoping for ur fast recovery πŸ˜ŠπŸ™

VIP Member

I love the name mavis.. Napaka cute momsh.. 😊 Naaalala ko ung sa hotel transylvania.. Congrats sa newborn mo po.. 😊

Naiyak ako.😭 Congrats sis! Napaka-gandang baby naman niyan. Worth it lahat ng hirap.β™₯️

Congrats !! Ako din dec 14 edd Kaso ayaw pa ng baby girl ko lumabas still waiting 😞

VIP Member

Congrats momsh!! Grabe sana ako din safe c baby pagdeliver ko sa feb 14..😊

VIP Member

Congrats momsh❀ Bawing bawi naman ang hirap,ganda ni baby at ang tabaπŸ’ž

VIP Member

Hehehe pangalan ng baby ko safiya Mavis... Hehe parwho my Mavis ta u hehe