Social Media

So ayun na nga. Sabi ni hubby nagtatanong daw ate niya bat daw di ako nagpopost ng pic ni baby sa social media with foods nung nag 1 month ang baby namin since mag 2 months na daw pala. Wala daw siya nakitang post ko na nag celebrate kami ng 1st month ni baby pero nagpopost daw ako ng memes sa fb wall ko. Sabi ko sa asawa ko, "anong ipopost ko? Wala naman tayong handa nun." Gusto ko pa sana dugtungan na hindi naman lahat ng sabihin ng ate niya applicable samin. Tsaka kamusta naman sila mga momsh. Naghahanap sila ng post ko ng monthly celeb ni baby sa fb, ni hindi nga nila maabutan ng budget mga biyenan ko dito pangkain, pinauwi uwi nila samin samantalang walang wala din kami kaya bawat piso binibilang ko talaga kahit napaka gastos nila kasama. Nakaka stress sobra. Sa loob loob ko, gusto ko man handaan ung anak ko pero di ko magawa sa hirap ng buhay ngaun tapos nasamin pa biyenan ko, ipambibili ko na lang ng pang araw araw na pagkain namin yun. Pasensya na sa rant. Wala lang talaga ako mapag labasan ng nararamdaman dito sa bahay.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Requirement na pala magpost sa fb ng first month ng baby tapos may handa. Hahaha.

5y ago

Jusko. Ewan ko ba sa kanila bat nila ako hinahapan ng post ko sa fb ng first month ni baby. Marunong pa ata sakin. 😂😂😂