Paskong pasko

So ayun na nga mga mommies.. Paskong pasko ang sama ng loob ko at dito ko nalang ilalabas... Hayyzzz... So ito na nga nag noche buena kami sa side ng parents ko pa kami nakatira.. Dumating ang mga in laws ko dito sa amin.. Ni wala man lang alco alcohol sa kamay kahit na may naka ready na at binilin ko yun sa asawa ko na sabihan sila.. And yung baby namin pinagpapasa pasahan pa nila.. Kuha ng picture dito kuha ng picture doon.. Kuha ng picture ni baby na naka focus with flash.. Di ko masaway ng dretsahan kaya sa asawa ko nalang sinasabi para sya na ang sumaway..kaso di nya ako pinapansin.. At ito pa Halos ayaw nila isauli sakin si baby kahit feeding time na nya.. Yung hubby ko wala..walang paki alam.. Katwiran nya 2nd time pa lang na meet ng family nya baby namin.. Kahit nga yung pag punta nila samin against ako.. Kasi nga may covid pa..at dahil nga sa religion nila na hindi naniniwala sa mga gamot gamot at sa kung ano anong sakit.. Bale wala saknla ang covid.. Di raw totoo yun.. Naniniwala sila sa healing power..etc.. Ginawa ko umakyat nalang ako sa room namin sabi ko pagod at magpapa hinga na ako. Nakaka inis kaming family first christmas namin nila baby wala man lanh picture dahil sakanla... Huhu naiinis ako na naiiyak.. Kaka 1 month pa lang ni baby .. Ang OA ko ba? Pinoprotektahan ko lang naman sya. πŸ˜–πŸ˜–πŸ˜–

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

How are you mommy? Think this way na lang, namiss nila ang apo nila. Mahirap talaga magsabi lalo sa matatanda. Dapat talaga si hubby nabriefing mo ng kaikainaman bago dumating parents nya. Ako kase, ako mismo nagsasabi kesa naman mainis ako. You can say it naman din in a nice way na magsanitize po muna tayo bago humawak kay baby. Maselan po kase akong mommy. Be vocal din lalo if di naiingli si hubby kase ikaw naman ang mommy. Ikaw din mahihirapan if ever magkakasakit si baby. Pero since tapos na... next time be ready. Kase for sure naman may bibisita pa ulet kay baby. Take pictures pa din.. you have all the time naman to take pictures even walang occasion. Don’t feel too bad. Christmas is the season for sharing and being thankful. So be thankful pa din kase your in-laws take time to visit your child. Kahit pasaway sila. Be thankful na andyan sila at tuwang tuwa sila sa baby mo. Sana lang talaga wala silang dalang virus. Kahit ako maselan talaga ko sa mga ganyan. Stay safe. God bless!

Magbasa pa