Nakakastress, Nakakasama ng loob

Ako nga nanganak umiiyak na sa sakit ng recovery pero yung partner ko nandyan nga, sabihan ko naman ng kung anong masakit sa part ng katawan ko, wala titignan lang ako tas tatango. Nakita nakong umiiyak sa sakit, tumingin lang ni wala man lang pagtanong, pag hawak man lang para maramdaman ko yung support. Inaalagaan naman nya si baby. Pero lahat ng pansin ng lahat ng tao sa bahay nakay baby. Though okay nga yon kasi naaalagaan at nababantayan baby ko habang gumagaling. Yun nga lang paano naman ako? Na tinitignan lang nila kahit halos maiyak ako sa pag upo. Inuutusan pa nga ako ng partner ko kumuha ng cellphone nya para makanood sya ng videos. Lol sobrang nakakasama ng loob. Tapos pag sinabi ko yung hinaing ko sasabihin ang arte ko. Kaya minsan, dito nalang. Tulad ngayon sumilip yung partner ko sa pinto naabutan nyang umiiyak ako sa sakit. Ayun. Wala lang. Sinarado lang ulit yung pinto.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

mommy .. kung ano man pong sakit nararamdaman mo ipagpray mo nalang. wag nyo na po asahan ang mga kasama nyo sa bahay king wala tlaga kayo maasahan. maging matatag po kayo. ipakita mo sa kanila na matatag, matibay at matapang kang nanay. wag nyo na po iiyak yan. di rin po gusto ng asawa nyo na nakikita kang ganyan. ipakita mo sa knya kung gaano ka ka strong. baby blues yang nararanasan mo. wag ka masyado mgpadala kasi ikaw din mahihirapan.

Magbasa pa