Ayos lng Po ba na Hindi uminum ng maternal milk?

Ayos lang Po ba na Hindi mag inum ng maternal milk Ang buntis? Sinusuka ko Po Kasi.. nag anmum Po Ako nung una Peru sinusuka ko Po nagpalot Po Ako ng promama dahil un sabi ng OB ko Peru d padin Po napapasok sa tummy ko... Kahit pakunti kunti Po pag inum ko...sinusuka ko Po talaga... Nagkaka phobia Ako Kasi pati ung mga kinakain ko nagsusuka ko kapag nag inum Ako ng milk. 17months pregnant Po ako

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ok lang yan mommy ako hanggang nanganak hindi uminom ng maternal milk. sabi ni ob hindi daw talaga sya nag sasuggest uminom ang patient nya ng maternal milk dahil nakakalaki ng baby at nakakataas ng blood sugar un. kung gusto ko daw talaga mag milk fresh milk na low fat daw pero hindi ko na din ginawa sense may gestational diabetes ako. nung 1st pregnancy ko pinainom ako ng dati kong ob hindi tapos hindi nya minonitor yong blood sugar ko ang taas na pala. one of the cause kaya nawalan heartbeat ng first baby sana namin.

Magbasa pa
3y ago

Sabi po ng OB ko, now a days hindi na pinarerecommend sa mga mommies ang maternal milk. Be praktikal nga naman. kung nagtatake ka na ng vitamins na mahal which andun na rin lahat ng kailangan ni baby. Dagdag gastos lang yan. Ang mahal pa naman ng gatas ng for mommies 😅 Any brand ng milk pero wag lalagyan ng asukal. Approved po yun ng mga OB

sa akin po, hindi po sinuggest ni ob na mag maternal milk kasi nakakataba daw. sa food ko na lang daw po kunin. pero pwede daw po ako mag fresh milk one glass / day. parang napaisip po tuloy ako ngayon dahil nabasa ko dito na good for baby din un maternal milk. wala pa din po kasi nirereseta na calcium tablet sakin. folic, fishoil, and vit b1 b6 b12 pa lang po. 18 weeks preggy po ako.

Magbasa pa
3y ago

yes po. fish oil for omega 3. fresh milk po wala naman binigay na restriction sa brand. iniinom ko po bear brand or nestle. pero better daw po yun kesa powdered milk.

Masarap po yung anmum Mocha flavor lasang milktea siya mas masarap siya mainit na tubig tapos yung enfamama chocolate din po sa malamig naman na tubig siya masarap ako din naduduwal ako kase ang lansa ng lasa niya sa huli pero nagtry ako iba flavor ayon nagustuhan naman ng tiyan ko.☺️ Try mo mamsh! pag di talaga keri ng tiyan mo try mo din mag fresh milk!

Magbasa pa

umiinom po ako maternal milk anmum, yung choco flavor, nagustuhan ko sya, hndi kasi ako everyday nakakakain ng gulay, nabasa q dn un dito na ok sya inumin pag hnd palagi nakakain ng gulay, pero s fruits palagi kumakain aq, lasa syang chuckie para sakin.😍im on my 28 weeks na

ako nun second pregnancy ko umiinom ako ng maternal milk plus with vits. akong tinatake pero ngyong 3rd pregnancy ko naisip ko din na my vits nman na tinatake khit cguro wag na uminom ng maternal milk kse sa totoo lang mhal din tlga cya un nalang din iniinom ko fresh milk

Ok lng namn po mommy ako nga po bearbrand lang ang pinaiinom sakin nung ob ko at ng nangank po ako ok naman po po si baby🥰 and dipende namn po sa inyo kung itutuloy nyo po ang pag inom ng anmum good for the baby namn din po kasi yan🤗

VIP Member

kung hindi tlga kaya momsh sguro wag na ipilit basta complete sa prenatal vitamins, bumawi ka nalang sa pag inom ng calcium kasi para sa iyo din un kaya ung ibang nanay nabubungi kulang sa calcium kinukuha din kasi ni baby un galing sau

17 months kna sis or 17 weeks? Try mo nalang magpalit ng ibang flavor ung anmum vanilla kasi nkakasuka talaga, chocolate and mocha latte iniinom ko so far kaya naman ng sikmura ko ung lasa.

Kung may ibang supplements naman po kayo na tinetake ok lang. sa case ko po kasi, pinapili ako kung milk o calcium tablet. Kung di daw kaya talaga ang milk dahil lactose intolerant ako.

3y ago

Ok na po yan. At di ko po sure kung nagkataon lang may mga nababasa kasi ako nakakalaki ng baby, malaki nga po si baby kahit di ako sobrang lakas kumain. If magbuntis ako ulit, ibang milk na lang siguro like fresh milk or ok na calcium tablet. 😂

VIP Member

Ako po hindi uminom ng maternal milk, kasi ayaw tlaga ng tyan ko. Ininom ko na lang po ung calcium na vitamins na nireseta ng ob ko