panget po ba sa record ng bata kapag walang nailagay na pangalan ng ama?

Ayaw po akong panagutan ng nka buntis po sa akin, unless daw may result na ng DNA Test. Eh pagkapanganak ko pa po magagawa yung DNA Test, eh paano po ang birth cert ng bata walang nakalagay na ama pagkapanganak na pagkapanganak ko..hindi ko naman po afford ang pre natal paternity testing kasi nasa 70k. Nag aalala ako kasi ayoko naman pong walang nkalagay na pangalan ng ama sa birth cert ng bata :(

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same case sis. Nanganak ako ng Feb 12. Nakalagay sa space provided for FATHER - N/A. Ang pinaghahandaan ko ngayon yung mga magiging questions ni baby kapag lumaki na sya. Ayokong maramdaman nyang may kulang sa kanya just because wala syang tatay. Kaya natin to sis. Dasal lang. 🙂

5y ago

same momsh. Feb17 naman ako nanganak, N/A Middle Name ni baby

Wag na po, hindi alam ng lalaking yan kung gaano kalaking blessing ang tinatanggihan nya. Attitude sya! Ndi sya deserve ng baby mo. Wag mong ipilit ang baby mo sa knya dahil dadating ang araw pagsisisihan nya ang ginagawa nya sa inyo. Kakagigil mga ganyan. Mga walang bayag.

Hayaan niyo nalang po yang walang kwentang lalaki na yan. Hindi naman po issue na ngayon kung wala man nakalagay na ama sa birth certificate ng bata. Ang importante mapalaki mo ng maayos yung baby mo. Ang daming single mom na kinaya naman nila I'm sure kakayanin mo rin yan.

VIP Member

Sa pagkaka alam ko need signature ng ama if i dedeclare mo yung name nya sa BC. Saka ang swerte naman nya kung ipapagamit mo apleyido niya sa anak mo eh hindi ka naman sinusuportahan. Single mom ako and wala akong pake kung walang naka declare sa father's name.

Wag niyo nalang pong ilagay....wala siyang kwentang ama kung tutuusin....kapal ng mukha manghingi ng DNA..kala mo nmn.... ...hindi ho nakakahiya na walang nakalagay na ama sa birthcertificate...hindi po kawalan sa iyong mag.ina ang ganyang lalaki....

Wag mo nalang pilitin mommy kung ayaw. Sayo mo nalang iapelyido, yun nga lang wala siyang middle name. Marami namang cases na ganyan dito. As long as kaya mo siyang buhayin alone, there's nothing to be worried about. Fck other people's opinions.

Alam mo momshie magkapareha tayo ganyan din ung akin tinakbuhan ako ng tatay ng baby ko pero hindi ako napropromblema sa apilyedo ng baby ko kasi ang ilalagay ko is apilyedo at middle name ko wala naman mawawala kung ayun ung ilalagay e 💓

5y ago

Mommy surname lang po pwede mo ilagay sa bc ni baby wag na po yung middle name kay lalabas niyan magkapatid lang kayo. Same ng pinsan ko po, nilagyan ng auntie ko ng middle name until such time nag abroad yung pinsan ko. Nagka problema po siya sa mga docs niya kaya pinabago na naman po lahat. Hassle na po kung ganun kaya habang hindi niyo pa po nalalagyan wag nalang po.

Be proud mommy. Ang mga ganyang ama, di dapat ina-acknowledge. Kung talagang gusto at tanggap nya di sya mag-aalangan. Ikaw pa ang gagastos. Mas malaki pa ang gastos mo kesa sa sustento nya. God bless you momsh and your baby. 😊

Ok lng yan momshy.. Marami namang gnyang case ngaun..wag muna habulin ung tatay ng baby moh.. Kc kung tlgang my pkialam sya kay baby mgpapakita sya db.. Mahalin moh nlng ng bongga c baby.. Kya moh yan.. Be strong lng momshy❤️❤️

VIP Member

Hi mommy. Me personally, hindi ko kaapelyido biological father ko at hindi lang yan, wla din nakalagay na tatay sa birthcert ko. Wla naman ako naging problema habang lumalaki hanggang ngayon 😊