Okay lang ba maging fulltime mom tapos walang income?
Ayaw na ko pagtrabahuin ng asawa ko, magbantay nalang daw ako ng baby namin at siya na ang kakayod. Para sakin naman, mas ok yung may sarili din akong /pera(meron naman pero gusto ko sana irolling)
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Depende sa situation mommy. Pwede kang mag full-time mom kung more than enough na sahod ng asawa mo para sainyo at sa future ng (mga) anak nyo. Magtabi ka nalang ng konti para kung sakali may emergency at hindi agad makapagbigay asawa mo ay may bubunutin ka sa wallet mo. Always always magtabi for emergency fund. And plus points din kung generous yung asawa mo sayo at walang sumbatan na mangyayari in the future plus supportive sya na bigyan ka ng pansarili mong pera. Dapat clear kayo don dalawa. Depende din 'to kung ikaw yung tipo ng babaeng hindi career woman. Kung kontento ka na sa achievements mo ngayon. Kasi kung may gusto ko pang ma achieve na goal sa buhay, magiging komplikado yung pakiramdam mo in the future. Depende din kung minimum wage earner asawa mo, kasi kung oo sa pamahal na pamahal na bilihin ngayon mahirap sumabay sa agos and hindi na sasapat yun para bumuhay ng family. Kailangan kayong dalawa na magtulungan financially. May mga work-from-home naman like Virtual Assistant, hanap ka lang ng boss na papayagan ka mag flexi schedule para hindi ka pressure sa oras sa work. Pwede din gawing sideline ang pag oonline selling. Ipaliwanag mo nalang sa asawa mo kung bakit need mo magwork kung sakali. Sa isang relationship, dapat dalawa kayo nagdedesisyon. Hindi pwedeng may isang nag ooverpower sainyo. Dapat parehas kayo ng level na gusto para sa family nyo, dapat nag memeet kayo halfway. Assess mo yung situation nyo muna before ka magdecide then saka ka makipag usap sakanya :)
Magbasa padepende kay hubby mo sis. swerte ka yes pero kasi may asawa na oo binibigay sayo pera, ikaw mag bubudget tapos kukwestyonin ka kapag mabilis maubos o pag marami ka binibili especially online na magagamit naman. may ganun lalaki eh. nasayo din yon kasi may personal needs karin, may babae na nahihiya humingi sa asawa ng pang pamper sa sarili, iba naman kukwestyonin ka rin bat kailangan pa mag personal needs shampo sabon toothpaste lang okay na mga ganon. kaya depende sa inyonh mag asawa yan sis. kung malaya ka naman sa kung pano mo mahahandle pera mo at di ka mahihiya maglaan sa sarili mo then go for it swerte mo mii. pero if not, it will be better na kahit kaunti may sarili kang pera, hindi mo kailangan lamangan sa pera asawa mo. basta as long as meron ka hawak na alam mo galing sa sarili mo. but then again it's up to you and your husband's situation and agreement on budgeting.
Magbasa paSame mii .. di na din ako pinagtrabaho ni husband ko.. Nurse ako pero pinahinto muna niya ko para ako muna mag hands on sa 2 kids namin 8yo at 1yo.. ok yan mi kung kaya ng kita ni mister ang pang araw2x na gastusin + ipon.. at minsan lang sila bata mii pag malaki na baby mo at gusto mo na magbalik sa work pwede naman.. sa ngayon focus ka muna kay baby.. iba pa din kasi pag nanay ang nag aalaga .. at tama ka din naman na ok din may sarili din pera.. ako din ganyan gusto ko kasi ang totoo kahit willing ako mag hands on sa mga bata gusto ko may nagagawa din ako iba .. kaya pinabili ko si mister ko ng mga equipments para sa gusto ko business dito sa bahay para naman di din ako mainip at the same time nakakapag ipon din ng sariling pera.. nasa bahay na ako kikita pa ko🥰..
Magbasa paMaybe kaya nasabi ng hubby mo na magbantay ka na lang ng baby nyo dahil more than enough na yung kinikita niyang pera, tama ba ako? If ganon man edi mas maayos dahil makakapag focus ka sa pag-aalaga ng anak nyo tapos maaasikaso mo pa si mister pagkauwi niya from work. Pero kung gusto mo ng may income ka pwede naman, mag-isip ka lang nung pwede kang kumita at the same time maaalagaan mo pa din ang baby mo.
Magbasa pasame mamsh., nakaka miss mag work pero what to do, wala naman iba mag aalaga kay baby at mahirap din ipaalaga sa iba. Medyo mahirap lang din sudden transition from a career woman to a first time full time mom. at iba pa rin pag may sariling income. Also, ngayon ko lang din tunay na naintindihan ung sabi nila na "mabilis lang sila lumaki", mamimiss din natin ung moments na gantong ismol pa sila.
Magbasa paAy naku momsh,napaka-swerte mo kung ganyan ang asawa mo. Grab the opportunity ika nga nila. Malaking advantage din yan kase matututukan mo paglaki ng anak mo. Kung di ka nman pinagdadamotan ng pera ng asawa mo then wag mo na isipin yung sariling pera. Besides kung ano ang pag-aari ng asawa mo then half nun ay sayo na din.
Magbasa paYes momsh mas maganda kung ikaw po talaga mag aalaga kay baby mo mas natutukan mo siya, ganyan din po kami ni hubby nagusap na ako nalang mag alaga and siya na magwowork kaysa magpaalaga pa sa iba magbabayad din naman tapos di pa naalagaan ng ayos si baby
ako kasi for the mean time lang na newborn mga anak ko. pag kaya na maiwan babalik work ako. no choice kasi e twins ang anak ko.