Labor Day Experience

Athalia Arieleesha Quitola EDD JAN 17,2020 DOB JAN 7,2020 3kg 50cm First time mom ako , kaya naging mahirap sakin yung labor. Almost 9 hours alo nag labor and nakakahiya lasi nag sisisigaw talaga ako non sa ward na ang sakit, dikona kaya, tas iyak ako ng iyak. Nag pa admit ako sa first choice ko na ospital na IE ako at 3cm nadaw ako, kaya pala iba na yung sakit ng puson ko at balakang tapos wala daw available na room laya lipat naman kami sa 2nd choice ko na ospital. Dinala agad ako aa emergency kasi nahihirapan nako indahin yung sakit, nag IE nanaman sila sakin! Grabe napaka sakit mag IE nun doktor sa 2nd ospital sianlang nag lagay ng lubricant. 5cm na agad ako. Kaya dinala muna ako sa ward at ilista daw yung oras at pagitan ng paghilab. Grabe ilang oras ako nag inda sa sakit napakalakas ng ungol at iyak ko sa ward, dasal ako ng dasal na sana normal ako at ibaan yung sakit na nararamdaman ko. Thankful ako sa Lola at unties ko sa mother side kasi sila ang nag asikaso sakin sa ospital. Wala ang mommy ko non kasi nasa makati siya at ako nasa Nueva Ecija. Sila tagahilot sa balakang ko sa puson saka sa tiyan kapag nassaktan ako. Pinapakalma nila ako na magging ok din ang lahat at kakayanin kodaw. Hanggang sa dumating na yung time na iba na talaga yung sakit nag hihiyaw ja talaga ako at nag i start na ako makaramdam na parang majejebs ako, kaya nag istart na ako umire kapag masakit tinawag na ng lola ko yung nurse at agad ako na transfer sa delivery room, nag IE nanaman sila grabe kasakit 2 beses pa inulit at di malaman ng nurse kung ilang cm na ako kaya yung doktor naman nag IE NAPAKA SAKIT! Then sabi niya 6-7 na. Kaya tinawag na nila sa phone yung OB ko kasi wala pa nga kaya waiting pa ako habang halos mamatay na ako sa sakit. Mabuti at mababait ang nurse kahit maingay ako sinasabi lang nila na i savw kodaw energy ko para mamaya may lakas ako. Na kaya kodaw yon, nag sosorry ako ng ilang beses dahil sa ingay pero sabi nila tiis tiis pa. kaso wala mahina ako maingay padin ako, tanda ko almost 5am napaka tinsi na ng sakit kaya napapansabi nako nasaan na si dok, diko na kaya lumapit agad yung 2nurse at ni IE ako, 9cm nadaw ako kaya napapaigtad na pwet ko sa sakit, at nag i start nako umire kasi pumutok na panubigan ko at otw nadaw si ob ko. Nararamdaman ko na may nalabas at ulo na pala ni baby ko kita na ng nurse sabi sakin sige ituloy kolang, then umaalis siya kasi may nanganganak pa sa delivery room narrinig ko yung pag iri niya, at pati ako napapasabay na sa kanya, then narinig ko na napasigaw yung nasa delivery room. Lumabas ja baby niya, ako naniinggit na kinakabahan kasi normal niya naianak ang baby at napaka bilis jiya manganak. Then time ko na para manganak nag turok sila ng painless sa swero ko kaso wa epek , same deeling padin hanggang sa nag i start na ako isaklang sa paanakan, napapahiyaw na talaga ako saka naiiyak. Sabi ng isang doktor wag ka sumigaw mapapagod ka, isave moyan para kay baby sabi ko nalang sorry po napaka sakit kasi talaga. Nag tirok na siya ng pampamanhid sa swero ko at nakaka ramdam na agad ako ng pag ka groge, hanggang sa nasa harapan ko na si OB sabi niya sige i push ko na daw at kita na nga ang ulo siguro sign na 10cm na nga ako i remember 8 big pushes ang ginawa ko at ramdam ko may nalabas talaga at sobrang sakit ng hilab nag simula nako antukin at mapagod sabi ko dok inaantok nako, kaya sinabihan niya yung male nurse na tulungan na ako naramdaman ko ba ipinatong niya yung chubby na braso sa tiyan ko at tumulak at nag push din ako ng todo then yung last na two pushes sakin ng nurse napahiyaw na ako, then KO nakatulog na ako. Diko alam kung ano na nanyari pag gising ko nalang naaa recory room ako 7:28am tanda ko pagtingin ko sa wall clock nahihilo pa ako sa gamot at naka tulog pako. Once pag gising ko nasa ward na ulit ako at ipinakita sakin nila tita ko picture ng baby ko :) sobrang happy ako at nailabas ko pala si baby kaya nakatulog na ako.

31 Replies

Congrastsss sis and Baby💚🤱 and so proud to you sis at hindi ka sumuko sa kbila ng napaksakit mong nararamdaman sa pag lelabor... Ako sis edd ni Baby ko Jan 29 pa.. pero panay pananakit na rin ung tyan at private part ko.. nag hihintay nga ako ng sinasabi nilang discharge na lalabas sa private part ko sis na sign ng labor pero wala pa din ee.. nsa 37weeks at 3days na si Baby sa tummy ko... FTM din ako sis. kaya eto excited na kinakabahan.. sana katulad mo kahit mahirap pag dadaanan namin ni Baby sa panganganak ay makaraos din kami ng maayos ang kalagayan naminn💚🤰🤱🙏... God Bless sa New Journey nio ni Baby sis...💚🤱🙏

Opo mommy super worth it naman pag nakita na natin ang baby 💞❤️

haha naalala ko tuloy nung nanganak ako sa panganay ko, hiyaw din ako ng hiyaw sa ward kasi public hospital yun, di pinapapasok ang bantay kaya kasama ko lang yung mga nanganganak din. dito sa second ko nakaprivate hospital ako kaya at least katabi ko mister ko habang naglilabor. hindi na ako naghihihiyaw pero iyak at ungol padin sa sakit haha. congrats mommy!

VIP Member

Naalala ko tuloy nung manganak ako 1 month ago, 9cm na ko pero gusto ko na sabihan ang doctor na iCS na ko sa sobrang sakit😂 walang tinurok na anesthesia or what. Tinurukan lang ako nung nagtatahi na ng tahi😂 Pero worth it naman, nung nalabas na ulo ni baby tuloy tuloy na💕

VIP Member

Huuuuyy juskooo! Binasa ko with feelings momsh. Haha! First time mom here, and next week na due ko. Waaaahh! Lord, sana kayanin ko din. Kaya nga nila, ako pa ba. Hehe! Anyways, congrats momshh! 🥳🥳

Congrats momshie ☺️ 1st time soon-to-be mama here. Nakakaba lalo na ng mabasa ko yung na experience mo pero kakayanin ko, by God's grace 🙏

Habang binabasa ko, na.iimagine ko na ako ang nanganganak, napapakapit ako sa unan ko. Congrats momsh!!!!

C0ngrats Mamshie. Sana makaraos din ako sa feb. Hehe. Guide us oh Lord.

wow galing nyo po momsh.. congrats po, ang cute ni baby..

haha para lang nag babasa ako ng novel a momsh.,

congrats! worth the pain naman eh hehe

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles