Hello po mga Miiih🤗 ask kolang po ano po mas okay na inumin milk anmum po or enfamama?
Ask lanh po mga mihh
For me anmun. Mas ok yung lasa niya. Check mo na lang kung anong flavor ang magustuhan mo. Masarap yung chocolate flavor kaso pansin ko sumasakit sikmura ko after inumin, i have gastritis kasi kaya I switched to plain flavor. Ok naman sakin yung lasa niya, nasasarapan ko yung plain unlike sa ibang mommies na ayaw nila yung lasa. Kaya better kung bili ka muna lahit yung pinaka maliit muna para if ever di mo magustuhan hindi sayang 😁
Magbasa paAko po nung una annum po,kaso sabi ko sa ob ko nagtatae ako sa anmum..kaya pinaltan nya ng enfamama.pero nanghihinayang ako sa anmum kasi madami pa kesa itapon ko,ininom ko padin,sabi nh hubby ko bka daw sa dami ng timpla nya kaya ako nagtatae,kaya tinry nya ako timplahan ng tatlong kutsarita lang,at ayun nga,di na ako nagtae..kaya alternate ko iniinom ung dalawa..pero ngayon naubos ko na anmum,kaya enfamama na iniinom ko.hehe
Magbasa paNakapende yan kung ano ang kaya mo inumin.. Kahit mas ok ang nutrients sa isa kung maisusuka mo lang dahil di mo type wala rin mangyayari kaya tikman mo pareho mi😊 Sa akin pareho ko tinry at mas bet ko Anmum lalo na yung mocha latte
thank you so Much mga Miih🤗, this application really helps me, lalo pat 1st baby ko kaya totally i have no idea, nag sesearch lang din talaga ko or nuod ng mga vlog or articles, and with the help din ng mga Mommilenials kong Friends ♥️🤗
bili k muna ng maliit then try mo each. ive tried prenagen before, masarap and okay nman. naka anmum ako ngayon at nasayang lang pera ko kasi di ko maubos. masarap pero kumukulo tiyan ko ng ilang oras kada iinom ako.
Karamihan sabi mas masarap daw ang Anmum choco pero sabi sakin ng OB ko mas preferable nya na ipaninom is Enfamama kahit choco flavor kasi mas marami raw nutrients/vitamins compare sa Anmum
hello, in my case annum tlga ko chocolate flavor pero naun sabi ng OB mag enfamama na daw ako pra matalino si baby, kaya nxtime pagnaubos annum ko ttry ko ang enfamama
Kung nag multivitamins ka like Obimin kahit di ka na po mag milk kasi complete na ng Obimin. Less gastos tyaka sa mga hirap uminom ng milk. As per Ob ko rin po yan. 😀
ganyan saken sis hindi na ako nag milk kasi complete vitamins naman. sabi kasi mabilis den makapag palaki ng bata ang milk. importante talaga lagi uminum vitamins at kumain fruits ok naman kahit yun lang.
anmum ako hanggang 2nd trimester . . nag bubuo buo kasi yung enfamama tsaka nalalansahan ako :) pwede ka din maglagay ng ice sa choco anmum .. yun ang ininom ko
Depende sa panlasa mo mi, may ibang buntis kasi na ayaw sa lasa ng mga maternity milk, Ako nman since 1st baby ko Anmun na ako.