64 Replies
Pwede po magamit surname ng jowa nyo basta sya po mismo ang pipirma sa birthcert ni baby and mga files na manggagaling sa hospital na pinaanakan mo. Ang DNA is para malaman kung tunay na anak o iba tatay.
Kung gusto ni ipa-paternity test, go basta gastos kamo nila tutal sila may gusto. Pwede mo gamitin apelido ng tatay nya may pipirmahan lang naman sya. Baka nakaka limutan nila minor kapa pwede ka magreklamo.
Wala pong ganun. As long as kinilala nya na kanya si baby, no need for DNA. Nirerequest lang po ang DNA usually for paternity confirmation or pag may unexplainable na sakit si baby. God bless po.
Parang di ata sayo boto tatay ng BF mo? kase ganyan sinasabi kase kung wala silang alinlangan no need for DNA , kami ng live in ko hnd kasal magdadalawa na anak pero sa kanya naka apelyido 😊
Sis kung payag ang tatay ng bata then go wala na po problema dun basta present siya sa araw na pipirma siya sa documents ng bata, pro pakasigurado mo dahil mahal magpapalit kapag nagsisi ka😭
Much better na sunod mo na sa last name ng father nya.. Pwede naman yon kahit hindi PA kayo kasal at payag Yong tatay gamitin last name nya... Gagastos PA kayo magpapalit nyan if ever.
Pwede nya gamitin apelyido ng bf mo as long as kilalanin sya ng bf mo at pumirma sya. Pag ngfile kau birth cert my affidavit sila papapirma sa tatay then ung mother din.
Mag papa-affidavit po si bf nyo na pumapayag syang ipagamit apelyido nya sa baby nyo. Pero kung ako yan di ko muna ipupush kasi mukhang may problema ka sa pamilya ng bf mo.
yes pwede po ipagamit ang family name ng tatay kahit ndi kasal basta meron pong signature ng tatay na sa katunayan na inaaknowledge nya ung baby nyo.. base on my case.
Baka naman may dahilan kung bakit gusto ipaDNA anak mo. Tell us the whole story. Baka naman nagkahiwalay or nagkalabuan na kayo ng bf mo. O baka may kasama ka ng iba.
1 year napo kami ng bf ko at 22 weeks napokonh pregnant never kopong na meet ang mga magulang nya o na kausap nung ako po nag sabi sa magulang natanggap po agad pero sa magulang nya nung nag sabi sya nag message rqst po yung nanay nya sakin and kung ano ano pong masasakit nasalita ang natanggap ko dapat nag aral nalang daw po ako parang pinapalabas nya na para kong kaladkaring babae hnd nmn ako nag sisi na maaga kong nabuntis may balak parin ako mag aral isa yan sa mga sinabi nya sakin tas sabi nya na sinabi kona po dati sa kanila na buntis ako pero never ko sila nakausap then doon sa tatay nya nmn po ang sabi second baby konato at nag kaank nako sa iba na hnd nmn totoo ftm po ako ngayun nag sabi bf ko na ilalagay ngapo yung aplido nya yan napo yung sinabi ng tatay ang dai nlang sinasabi sakin kahit hnd nila ko lubusang kilala hanggang ngayun gumagawa parin sila ng dahilan para iwan ako o mag hiwalay kami ng bf ko hnd nalang ako kumibo at nag sasabi nalang ako sa parents ko
Anonymous