Ask lang po para dun sa mga wala na daw budget pambili ng milk at diaper. sa diaper po kung wala pwede po ilampin muna si baby iwas rashes din yon. laba laba na lang muna kung walang budget. at sa milk naman po lalo na mga wala pa 1 month nkapanganak bakit hindi nyo po subukan ibreastfeed? bukod sa mkakatipid na e talagang iba ang benefits ng breastfeeding para ke baby para hindi sya maging sakitin at hindi tayo masyado nagkakaproblema sa poopz nya. sinasabi ng iba dito na hindi daw lahat nabiyayaan ng madaming gatas. lahat po tayo pagkapanganak ay may gatas hindi lang pare pareho kasi yung iba malakas agad yung iba naman mahina pa pero napapadami po yan basta tyaga lang... at sa tingin ko po sa iba parang ayaw lang talaga nila mgbreastfeed. kahit magwowork kayo pwede kayo magpump ng milk nyo at magipon para kahit nagwowork kayo breastmilk nyo pa din iniinom ni baby. ok lang naman formula kung kaya ng bulsa. pero opinyon lng naman po na kung wala ng pera bakit hindi natin ibreastfeed diba kesa nanghihingi tayo pambili ng gatas. ✌️✌️✌️