Maternal milk

Ask lang po if need po ba talaga uminom ng mga maternal milk habang buntis? Pero may mga vitamins namn po aq iniinom need pa po ba uminom? Meron po ba ibang options bukod sa mga ibat ibang klaseng maternal milk?

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello. I'm 9w1d preggy now. Unang check up ko palang sinabi na agad ng OB ko na hindi sya nagpapamaternal milk kasi gastos lang. Kaya di ako nainom ng maternal milk. Pero kung may budget ayos lang naman daw bumili. Di naman daw required mag maternal milk. Folic Acid ang importante sa development ni baby lalo na sa first trimester. Pero pwede daw uminom kahit anong milk wag lang yung unpasteurized. Pwede ka mag fullcream, fresh milk, lowfat. Ang importante lang din sa pag inom ng gatas is hindi ka lactose intolerant. Yan po sabi ng OB ko. Healthy naman po ang baby ko rn. ☺️

Magbasa pa
VIP Member

Ako po nung una, as in religously nagddrink talaga ng anmum. Hanggang sa nawalan na ko ng budget kasi ang mahal hahaha okay lang naman daw sabi ni OB. Di naman kasi talaga niya ko sinabihan uminom, pinressure lang ako ng kapit bahay namin lols. May vitamins naman daw po tsaka minsan nasa food na din na kinakain natin. :)

Magbasa pa

I'm currently 16 weeks preggy po, and ni recommend ng OB ko nung first trimester ko yung Anmum and until now iniinom ko pa rin siya kahit my calcium vitamins pa ko. In my case po kase di gaano karami yung kain ko simula nung 1st trimester ko pa at para ma sustain din yung kulang na nutrients.

Hi. if may budget ka why not. grabe kasi rin ang mahal na rin ng anmum ngayon. pero ako kasi 2nd child ko na ito, 12wks na ko. hndi nako naggaganun, sa 1st child ko nag-anmum ako. but now bumibili nlang ako ng fresh milk pra lang iwas sa kape. check mo lang nutrition facts ng fresh milk.

Di naman required. Ang mahalaga everyday mo maiinom prenatal vitamins mo. Di yan nireresta sakin ng Ob ko verbal lang niya na any brand of maternal milk 2 glasses/day Added nutrients lang naman yan lalo na kung tingin mo hindi sapat ang nutrients na nakukuha mo sa food

malaking tulong din po ang maternal milk para sa development ni baby at sayo po bilang mommy.. pag ordinaryong gatas po kasi nagpapalaki ng baby.. ( and. iwas pag taas na rin po ng sugar nyu ni baby)

First time mom here pero buong pregnancy journey ko enfamama and fresh milk ako. Kasi di ko keri yung calcium na vitamins. Pero okay naman si bby ko nung lumabas, healthy naman siya.

ako mi umiinom ako ng anmum, 10 weeks na ako ngayon at sobrang pihikan ko kumain. nagmaternal drink ako kase pra may nutrients parin kay baby bukod sa mga vitamins na tinetake ko

Currently at 9 weeks and on my initial check up po, sabi po ng OB ko, okay lang wala muna milk. Pero pinapag-take niya na po ako ng Calciumade, once a day.

TapFluencer

sakin din po di naman nirequire ni OB pero nirecommend nya po nung 1st and 2nd trimester :) enfamama or anmum kung ano daw po ung mas gusto ko ang lasa :)