Hehehe. Hindi totoo yang nabalitaan mo. Sinisi sa transv kasi syempre nadepress ang nanay sa pagkawala ng anak. Ang transv ginagawa yan para malaman mo ang estado ng baby mo sa loob. Hindi pa pwede ang pelvic kasi mahirap makita. Hindi tulad kapag ipapadaan sa pwerta ang probe/aparato ng ultrasound. Hindi malalaglag ang baby dahil si baby, doble doble proteksyon niyan. Nasa loob yan ng matres, at ang matres may pintuan pa yan ng nakasarado, yun yung kwelyo/cervix na tinatawag. Hindi yan nabubuksan ng probe/ o yung pinapasok na aparato pag inuultrasound. Ang probe ay pinapasok lang sa kahabaan ng vagina natin. O kung saan pinapasok ng mga mister natin ang kanilang batuta. Hanggang dun lang.
Magbasa pa