husband's high school girl friend

ask ko lang what are you going to do if yung husband mo too close sa highschool friend nya na babae? ung every occassion naiinvite c husband sa house nila along with their other tropa. di sana ako magiisip ng kung anu kaso may nabasa ako sa mga text ni ate girl like namimiss mo ko, nsan na yung chocolates ko, nagagandhan ka sakin, wag ka magpagod sa work, then may reply ang husband ko na namimiss mo na nmn ako, dadalhan kita chocolates mo pag nkapasyal daw ulit sa house nila, crush mo nmn ako dati, nagsisi na di sya sinagot.. di ko alam isipin ko kasi ayaw ko masira tiwala..di ko namn intend pakelaman cp nya may lavo kc tmtwag and feeling ko yung friend nya yun..dapat b ako mahinala..auko sya kausapin bka isapin nya wala ako tiwala sa kanya..we're married for 7 years.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maghinala? YES. magtanong sa asawa mo? YES. LAHAT NG KARAPATAN nasayo, asawa ka. Nakakagigil naman si "friend", alam naman niyang married na si lalaki. Haay nako, marami talagang nagkalat na ganyan. Anyway, kumalma ka. Tanungin mo sa asawa mo kung ano yan, for sure magiging defensive yan, natural sa lalaki. Basta kumalma ka lang, wala kang mapipiga diyan kung magbubunganga ka. Masakit yan, alam ko. Wag na wag na wag mong kokomprontahin si babae, alam niya ang ginagawa niya, wag mo ng bigyan ng atensyon dahil hindi siya ang problema mo. Oo malandi siya, pero ang asawa mo naman kasi ang nagbibigay ng atensyon pa. Choice mo kung magtitiwala ka sa asawa mo, mas kilala mo siya. Pero sakin, hindi pwede yang ganyang klase ng pagtetext. Again, wag na wag mong bibigyan ng atensyon ang babae, pagbawalan mo ang mister mong magpunta doon o kontakin ang babae. Kung ayaw niya, iwanan mo.

Magbasa pa
6y ago

yes πŸ‘ di ko kailangang sumugod, manabunot o tumalak para lumaban. kaya mo yan, lumaban ka ng tahimik sabayan mo pa ng dasal πŸ‘ Goodluck, sana malampasan mo ito.