Hello, ask ko lang valid po ba yung nararamdaman ko. Mahiyain po akong tao, di ako mahilig mauna mag approach pero pag kinausap mo ko eh lalabas din ang kadaldalan ko. Napapansin ko sa LIP ko parang kinakahiya niya ako sa mga friends niya at ibang family members, last Christmas di sila nag handa sa bahay nila kasi nag handa yung isang tita niya, then pumunta sila naiwan ako sa bahay katwiran mabo bored daw ako, iyak ako ng iyak kasi first time ko mag pasko mag isa. Then dumating isang friend niya from abroad nag aya ng night swimming sila silang mag kakaibigan then mga girlfriends at asawa nag sabi siya sabi ko gusto ko sumama para makilala ko din sila ending di siya sumama tinamad daw then nag aya yung friend niya na mag outing silang boys excited sumama naiwan ako. Nag birthday pinsan niya ininvite kami then kumain kami sa bahay kasi akala ko ayaw niya ng pumunta, nag pa alam pupunta daw labas lang daw siya saglit, then nag lakad lakad ako kita ko siya nag sa samgyup sa birthday ng pinsan niya, sa terrace kasi sila kumain.
Buntis ako ngayon nai istress ako kasi grabi pakiramdam ko na kinakahiya niya ako, wala naman maitim sa akin tumaba ako pero bagay naman sa akin๐ข๐ข๐ข babawi daw siya pag naka panganak ako, sana mabawi niya din yung feelings ko na unti unti nang nawawala. By the way lagi niyang sinasabi sinusulit niya lang daw yung gala kasi mag kaka anak na kami, kamusta kaya ako?tingin niya may freedom pa ako pag lumabas si baby?๐
๐ข
Anonymous