Pag upo ni baby

Ask ko lang po.1st time mom po ako, Kasi baby ko mag 9months na sa katapusan ng august, nagwoworry kasi ako dahil hindi pa sya marunong mag upo ng mag isa. Aminado naman ako na palagi ko sya dala dahil sa mga pinsan nya na 4 and 5 yrs old. Sobra kasing hyper nila kapag nilalapag ko si baby sa crib kapag nmn sa lapag eh magtatalunan sila sa sofa alam nmn nilang nasa lapag baby ko tas ayun palagi nilang nilalaro okey lang sana kung play lang tlaga kaso hindi eh, pipisilin nila hahawakan kung saan saan or kaya bigla silang iirit nagugulat na lng anak ko kasi sa mga gingawa nilang dalawa, kaya ang choice ko buhatin ko na lng c baby, khit my mga sipon at ubo sila hawakan ng hawakan at kiss ng kiss sa anak ko. Kapag sinaway or pinagsabihan mas lalo pa nilang gagawin ? haist. Normal lng ba un sa baby ko na hindi pa naupo sa edad nya? Marunong nmn sya dumapa at gumulong gulong. Thankyou po sa mga sasagot.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ok lang yan. Ganyan din panganay ko nauna pa tumayo bago upo. Kahit nga paglakad mejo late din nabibigatan ata sa katawan nya.😁 btw 11 yo na panganay ko hanggang ngayon mabigat padin katawan, antamad e haha

VIP Member

Kalungin mo sis para matuto o masanay n ng nakaupo. Tsaka wag ka magworry ganun tlaga iba2 ang development ng bata minsan late at advance.

VIP Member

Hindi po normal mamsh. Need nya kasi magpraktis, kulang sa practice. Sana magawan mo paraan na malayo sya sa 2 bata

Practice kayo mommy, madali lang maremedyuhan yan.. Iupo mo sa lap mo at mglalaro laro kayo

6y ago

Thank you 😊

VIP Member

okay lang yan sis, turuan mo siya paunti unti hanggat maaga pa para matuto na

Kalungin mo sa lagi sis para mapractice sya