Binyag

Ask ko lang po opinyon nyo mga momsh and dads na makakabasa. Yung asawa ko at ako hindi umiinom. Yung binyag at first birthday ng bata sa Jollibee reception. Malaki laki na rin nagagastos namin dahil dalawa ang souvenir sa 6 na pares na ninong at ninang. Malaki din ang bayad sa simbahan at mismong Jollibee. Balak ng asawa ko na magbigay pa ng 2 libong pang inom sa mga kasama nya sa trabaho na ninong. Bale apat sila dun. Nagalit ako dahil hindi naman kami umiinom at parang sila kako may birthday dahil sila pa bibigyan ng perang pang inom. Gusto ko kasi na sa bata na lang yun pang gastos dahil halos lahat e utang lang naman. Nagalit sya at sinabing pera nya yun. Sinumbat nya na wala na daw sya nabibili para sa sarili nya. Ang sabi ko sino ba meron? Ako wala rin nman ako nabibili dahil bata lang gastos nya at kuryente lang dahil nakikitira kami sa bahay ng nanay ko. Tinitiis kong magutom at yung pagkaen na binibigay ng nanay ko sakin e pinapakaen ko na lang sakanya para makatipid. Pinili kong mag SAHM dahil need pa ko ng bata

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo sis npag-uusapan yn ng maayos, meet in the middle kayo. Di rin ako umiinom, si hubby minsan lang din, mgpapabinyag kmi this yr sa newborn nmin bago matapos ML ko, either mgBuffet kmi or catering sa mga bisita pero naisip ko din madami sya barkada kya suggest ko mgpaluto pa dn sa bahay, sympre kasama n dun inom khit di mo plan mgkakayayaan yan pg andun na, kahit pa ipon ko lahat at galing sa SSS un pera pnghanda, iniisip ko p din un side ng asawa ko..time to unwind din at mgsaya, wag lang sosobra inom..kung pera nya nmn at lahat bnibigay nya sa inyo, bigyan mo sya ng pleasure sa sarili nya pera, wag mo masyado higpitan kc baka masakal at maging malaking issue pa yan. Kung malaki yung 2k, baka pwde babaan. Mas ok ng may budget kyo sa gnun kesa wala tpos may maghanap n bisita wala kyo mailabas, basta hindi po sa Jollibee ang inuman ha bawal dun hahaha..yun lng po sakin

Magbasa pa
6y ago

ayun lang sis galing pala sa utang at bgay ng parents mo..nkkahiya nga nmn sa parents mo..pag-usapan nyo pa din maayos bgo un celebration..mhirap un may samaan kyo sa special day ng anak nyo 😊