Binyag

Ask ko lang po opinyon nyo mga momsh and dads na makakabasa. Yung asawa ko at ako hindi umiinom. Yung binyag at first birthday ng bata sa Jollibee reception. Malaki laki na rin nagagastos namin dahil dalawa ang souvenir sa 6 na pares na ninong at ninang. Malaki din ang bayad sa simbahan at mismong Jollibee. Balak ng asawa ko na magbigay pa ng 2 libong pang inom sa mga kasama nya sa trabaho na ninong. Bale apat sila dun. Nagalit ako dahil hindi naman kami umiinom at parang sila kako may birthday dahil sila pa bibigyan ng perang pang inom. Gusto ko kasi na sa bata na lang yun pang gastos dahil halos lahat e utang lang naman. Nagalit sya at sinabing pera nya yun. Sinumbat nya na wala na daw sya nabibili para sa sarili nya. Ang sabi ko sino ba meron? Ako wala rin nman ako nabibili dahil bata lang gastos nya at kuryente lang dahil nakikitira kami sa bahay ng nanay ko. Tinitiis kong magutom at yung pagkaen na binibigay ng nanay ko sakin e pinapakaen ko na lang sakanya para makatipid. Pinili kong mag SAHM dahil need pa ko ng bata

36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang naman siguro pero masyadong malaki ang 2k para sa inom lang. Ang daming pagkain na niyan.

500 lang pwede na may pang banlaw pa sila ng lasing dun hahaha. Johnny walker ata bibilhin kaya 2k e haha

5y ago

Nakakainis lang momsh. Jusko magka asawa ka nga naman ng mas iniintindi sasabihin ng iba kahit kaming mag iina e nga nga.

VIP Member

Masyado malaki ang 2k momsh. Nakakapanghinayang lalo na kung ipangiinom lang ng apat na tao.

Ang laki ng 2k aa. Magcoke nalang sila sa jollibee mas ok pa kesa alak d sila malalasing.

5y ago

Balak palang po pala. Wag nalang kamo ituloy di naman sya kasali sa iinom. Saka kung pera ang bigay ng mga ninong sa binyag edi parang binalik den sa kanila un binigay nila.

Masyadong malaki ung 2k pang inom.200 nlng kamo ibigay pang inom wag ng 2k 😂

5y ago

Haha good.

Kung hindi naman kailangan magpainom, wag na magpainom momsh.

Hindi nyo po obligasyon magpainom pero talk to your husband.

Pag usapan nyo momsh. Lalo na ngayon, need maging practical.

Masyadong malaki po ang 2k para pang inom lang.

Di kailangan. Di nyo obligasyon un sa kanila.