Binyag

Ask ko lang po opinyon nyo mga momsh and dads na makakabasa. Yung asawa ko at ako hindi umiinom. Yung binyag at first birthday ng bata sa Jollibee reception. Malaki laki na rin nagagastos namin dahil dalawa ang souvenir sa 6 na pares na ninong at ninang. Malaki din ang bayad sa simbahan at mismong Jollibee. Balak ng asawa ko na magbigay pa ng 2 libong pang inom sa mga kasama nya sa trabaho na ninong. Bale apat sila dun. Nagalit ako dahil hindi naman kami umiinom at parang sila kako may birthday dahil sila pa bibigyan ng perang pang inom. Gusto ko kasi na sa bata na lang yun pang gastos dahil halos lahat e utang lang naman. Nagalit sya at sinabing pera nya yun. Sinumbat nya na wala na daw sya nabibili para sa sarili nya. Ang sabi ko sino ba meron? Ako wala rin nman ako nabibili dahil bata lang gastos nya at kuryente lang dahil nakikitira kami sa bahay ng nanay ko. Tinitiis kong magutom at yung pagkaen na binibigay ng nanay ko sakin e pinapakaen ko na lang sakanya para makatipid. Pinili kong mag SAHM dahil need pa ko ng bata

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang mommy may mga lalaki kasing ganyan ang pananaw eh. Kaya minsan di rin natin maiiwasan na mainis or magalit. Pero kung alam naman ng asawa mo na gipit kayo sa pera dapat kinausap na lang niya ung nga kasamahan niya. Siguro naman maiintindihan siya ng mga yan.

6y ago

Un lang sis. May mga lalaki na mas inuuna pa ang ego nila kaysa sa pamilya nila. Ung 2k na ung marami ka na din mabibili na para sa baby mo.