Baka nga po panubigan na. Lumabas na ba mucus plug mo? Nagleak din kasi panubigan ko nung manganganak na ko eh. (leak lang, konti lang lumabas siguro mga 1oz) nafeel kong naiihi din ako that time tapos di ko siya mapigilan kaya nabasa undies ko. Pagpunta kong cr, nakaihi pa rin ako ng madami. Tinry ko pigilan yung ihi ko, tapos napipigilan naman siya. Kaya tinanong ko na mama ko kung ganun ba yung panubigan kapag pumutok. Pinarush na ko sa hospital tapos nanganak na ko the day after.
Anonymous