Labor or manganganak

Ask ko lang po mga mommy anong mas masakit Labor o yung palabas na yung ulo ni baby. Malapit na Po kasi akong manganak hehe

57 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mas masakit mommy yung may deliver ka ng shoppe pero wala kang pambayad.. hehe.. Kidding aside, labor po ang masakit kesa paglabas baby.. Mas nakakapagod ung paghihitay na lumaki ang buka ng cervix mo from 1cm to 10cm kesa pag ire (24hrs labor ko. magkaiba pa kasi ang pain ng labor pag di pa pumuputok ang panubigan vs. sa pumutok na ang panubigan mo .. un manganganak kana kaya mas masakit ung phase ng labor na un)... Tips sa pag ire wag isasarado ang mata at wag ibubuka ang bibig... isabay sa hilab ng tiyan ang ire... wag iire ng hindi humihilab.. Isarado ang bibig pag babawi ng hinga sa ilong mo ipapasok at ilalabas ang hangin para di maubosan ng oxygen si baby..(turo ng doc at medwifes habang nanganganak ako). Presence of mind, makiusap/ sundin ang mga sinasabi ng mga midwifes habang nanganganak ka... Have a healthy and safe delivery πŸ’“

Magbasa pa