IRR FOR EXPANDED MATERNITY LEAVE LAW

Ask ko lang po kung sino na po dito ang nabigyan na ng 105 days na leave? Ako po kasi March 12 nanganak, and hindi pa naadjust ng HR ng company namin yung leave ko since nag-aantay pa daw sila ng guidelines from SSS. Unfair lang kasi po, sa old computation which is 60 days leave, bukas na po ang balik ko. Tinanong ko sila kung pano ba yun, balik ko na sa work bukas hindi pa rin naadjust yung leave ko. Ang sabi nila sundin ko nalang old computation, pumasok nalang daw ako bukas. So for me naman po, what's the point of being qualified kung papapasukin na nila ako bukas. Any opinion po or advice dito? Salamat po!

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

signed ang IRR last May1 pero may inaantay pa po publication or distribution of complete details to companies which is 18days after pa. Sa totoo lang wala nman magagawa HR ntin kasi sympre kelangan nila antayin yun, kahit po pumunta kayo sa FB page ng SSS at mgtanong dun, same lang sagot nila "antabayanan" ang updates..meaning wala pa tlga. Regarding sa sinasabing retro dun sa mga nanganak na from Mar11 onwards, sad to say pero yun financial claims nlang ata makukuha at hindi yun additional days, hanggat wala pa official publication ng IRR from SSS, I doubt kung i-apply yan ng mga companies..sana nga mailabas n soonest

Magbasa pa