23 Replies

Di pa full term. Depende pa rin kay baby kung gano sya ka strong at kung buo na lungs nya by this time. Sa first baby ko nanganak ako ng 34 weeks. Weight nya lang is 1.6 kl. 3 na sya ngayon at super bibo. Ingat lang mommy. Iwas sa stress.

same tayo mamsh, june 19 edd ko. kakapacheck up ko lang kahapon. Pinagbedrest ako ni doc. wag dw muna mglakad lakas. pinababalik nya ko June 1 para sa admission slip. rest k lng sis. too early pa. di pa full term

yung OB ko mamsh my lying in sya dto s pasig. so dun ako ngpapacheck up. pero sa hospital ako manganganak. q

parehas tayo ng duedate nung una kong duedate june17 pero nakaraan kakapa ultrasound kolang umatras naging june13 kaya ngayon 37weeks na ako sabi nila mas maganda daw manganak atlis 37or38weeks

Nanganak ako saktong 36weeks via emergency cs. Okay naman si baby paglabas di naman need incubator. Thanks to God. Pray ka Lang mommy na maging okay and healthy si baby paglabas.

Parehas na parehas po tayo. June 17 din edd ko tapos laging naninigas si baby tsaka sumisiksik din sya sa singit ko parang naglalabor na ang pakiramdam ko.

Unang baby mo ba yan mommy? Meron po nanganganak ng 32weeks pero ok naman eh ikaw pahinog ma yan eh going 9m0s na, siguro safe naman kung manganganak ka na..

37weeks po pataas full term at complete na si baby.. pacheckup po kayo sabihin nyo po sa Ob mga nararamdaman nyo para maresetahan kayo agad..

Cs ka ba momsh? Ako kasi nagpahiwa na ko 37 weeks plus 2 days si baby. Pero nagpa ultrasound muna ako para macheck kung term na si baby.

37 weeks ang full term mumsh sa ibang OB nga 38 weeks nila pinapaanak para ok na ok growth ni baby lalo na lungs

Paabotin niyo po muna ng 37 weeks para full term po si baby. June din po EDC ko

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles