Folic acid • Pre natal vitamins

Hello ask ko lang po kung kaylangan pa ba uminom ng folic acid kahit nag ttake na ng pre natal vitamins? yung vitamins lang kase nireseta sakin nung doctor at gatas kaso di ko talaga keri inumin ung gatas kaya ung vitamins lang ang tntake ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yes po. Kasi as per my OB, kahit lifetime pa daw po inumin follic acid walang problema. Follic acid po ang primary na dapat inumin lalo na ng mga nsa 1st trimester kasi yun ang mostly crucial stage sa pagbubuntis. And kahit di pa talaga buntis, dapat magtake na din daw nun atlist 3mos prior sa plan mong magbuntis. Lahat yan sabi ng OB ko sis. 😊

Magbasa pa

Minsan kasi walang kasamang folic acid yung vitamins natin or kung meron, very little lang. May required dosage ng folic acid ang dapat nate-take ng buntis kaya nagrereseta ibang OB ng separate na tablet or capsule for folic acid. :)

VIP Member

Yes ,folic acid Ang isang pinakaimportanteng gamot na iniinom ng buntis. To less or control the chance of having a birth defect for babies.

Malaking tulong kc kay baby ung folic acid.. If ever d mo kaya ung preggy milk, may tablet/capsule naman na folic. Un ang tini-take ko.

Bakit nung nagpacheck up ako nun sa lying in ang advice sakin e itigil na ung folic at mag pre natal vitamins nalang.

Yes po magkaiba kasi un.. Si folic kasi sa blood si vitamins sa baby dapat meron ka nga dn calcium mami

Yes momshie.. ako hanggang 1month after manganak pinatuloy ng ob ko mga vitamins ko..

Ako folic at obmin na pre natal vitamin until now na 17 weeks

Yes sis folic tlga malaki ang dulot 😊

Ako po folic at obimin plus until now.