Baby Bump

ask ko lang po kelan kayo nagkaroon ng baby bump sa first baby nyo? 12weeks na kasi ako preggy pero wala pang baby bump.. is it normal?

235 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung payat ka, mga 6months pa mahahalata.. don't worry you're doing fine.. I'm on my 3rd pregnancy and 24weeks, sabi nla d pa din ganun kalaki but it's OK s ultrasound bigger pa si baby ng few days s LMP ko. So, d ibigsabhin maliit tyan ntin, maliit si baby s loob. Nkakainis lang ibang tao pag sinasabi palagi maliit tyan ko..nkkpagod n magexplain n ok lng size nya s loob. hehe. pag nakaharap ako d ganun kahalata, s gilid lang mjo halata na. hehe. 😉

Magbasa pa
VIP Member

4 months, may bump na pero mukang busog lang din po. Pero sabi ng ob ko normal lang naman daw po yun laki ng tummy ko. Nag worry din kasi ako nun, baka kako paglabas ng baby ko e sinlaki lang ng kamao ko. Haha! Sabi pa nya nakaharap or nakatalikod, mukang hindi buntis. Hehe. Maliit lang din kasi ako and payat. 😁

Magbasa pa

I'll agree on all the comments depende talaga sa nagbubuntis, my experience 5mos na ko nagka-baby bump🙂 but as they said its not because you dont have big baby bump means theres something wrong on the baby. Dont listen to the people around u (ma-stress ka lang,been there) better to listen to your OB.

Magbasa pa

4 months na nun tyan ko pero dipa halata. Ngayon 6 months na going 7 pero hindi ganun kalaki tulad sa iba. Sadyang may mga babae lang daw talaga na maliit magbuntis. Wala naman daw problema yun kase magkakaiba naman talaga body built ng mga babae. Okay naman yung baby every check-up ko kaya no worries.

Magbasa pa
6y ago

Me too. First ❤

Normal lang po yan. Mag 16 weeks na po ang sa akin pero wala pa din pong baby bump samantalang ung kapitbahay namin ang laki laki na ng tyan niya 3 months palang po. Depende po yan mommy sa nagbubuntis ang mahalaga po is healthy ang baby

depende kc sa katawan yan mommy... ako kc nun 24 waistline q nung d pa preggy, mga around 4 to 5 months na ako nagka baby bump... tapos ung bump ko pa nuon more on kabag lang hahahaha.... mag 7 months na nung napansin ng mga kapitbahay^^

12 weeks na din ako parang kumain lang ako ng extra rice hehe.. ung officemate ko 14weeks na cia pero para may maliit na unan na cia sa belly. Nun wednesday nagpa tvs ako thank God ok naman cia nakita na namin ung legs malikot na hehe..

same here po. 3 months na tiyan q pero kapag umaga pagkagising ko. parang wala lang. medyo nawoworried nga din ako e. Pero accdg.to my ate na nurse normal lang dw yan kasi first baby ko dw tska may baby talaga na maliit..

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-60340)

12 weeks nag umpisa na, pero akala ko ay butusin lang ako kaya nagtodo ab workout ako. Pero imbis na lumiit ay lalo lumalaki, na akala ko may sakit ako sa tyan😂😂😂 5 months nko nung naconfirm na buntis pala ako