lying in or hospital

Ask ko lang po first time mom here san po mas makakamura panganganak pero safe naman.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Meron po sana sa Davao sa Mercy Maternity Center highly recommended po tas libre ang kailangan lang daw is booklet and ultrasound, na search ko lang din sa google and fb. Dun nga balak ko manganak first time mom din ako kaya naghahanap ako ng paanakan na highly recommended at di masyado mabigat sa bulsa.😊

Magbasa pa

Ako sa lying in ko balak manganak.. Kasi katakot public hospital dto smin Kasi nakakailang beses na Kasi sila na may napapabayaan na pasyente Lalo na sa COVID patient.. ibang hospital Kasi dto.. Mahal na masyado bayad..

Hospital ka sis. If low budget sa public mga nasa 5k with philhealth pag may budget sa private nasa 30k ang normal with philhealth. Mostly sa lying in di sila tumatanggap ng first time na manganganak na.

same tayo tanong ko din yan sa sarili ko pero mas bet ko sana lying in ang asawa ko naman gusto sa hospital ng maynila kaso ayoko naman dun nakakatakot kasi.

Obviously, lying in ang mas mura. pero since first time mom ka, mas better na sa hospital ka manganak kung kaya naman mapag-ipunan.

VIP Member

Hospital sis... Sana maging lesson n sa atin yung ngyari sa bagong panganak na mommy s news lately.

VIP Member

Hospital kame mommy. Kulang kulang 7k lang bill ko kase may philhealth naman. Kasama na dun bill ni baby.

5y ago

Bauan doctors hospital dito sa batangas mommy. Normal delivery po.

ako d pa ko nkkpagdecide kung lying in pero OB ko ung magpapaanak sken. im 36 weeks FTM din.

Public hospital basta may phil. ka

For me mas safe pa din hospital