Privacy Policy Community Guidelines Sitemap HTML
I-download ang aming free app
ask ko lang mga mommy.. ok lang ba sainyo kasama sa house yung mother in law nyo? kasi nung isang araw nagtext yung MIL ko sa asawa ko. humihingi ng pera. actually magtetext lang naman yon samin paghihingi ng pera. honestly hindi kami close ng mga inlaws ko. wala din naman kasi silang pakialam samin ng baby ko. e eabi ng asawa ko sakin pag ganyan daw lagi yung nanay nya na text ng text para humingi ng pera baka dito nalang nya patirahin yung nanay nya. isip ko naman.. ako naman mahihirapan kasi malamang kukunin non yung atm ng asawa ko. at kami naman ng anak ko yung manglilimos sa kanila. yung asawa ko kasi parang hindi kayang ipaintindi sa nanay nya na may sarili na syang pamilya. kaya tuloy wala ng ginawa yung parents nya kundi gawin kaming atm. magtetext at tatawag lang para manghingi ng pera. hindi ko rin naman masabi na yung para nga sa pangpagamot ng anak namin ipangungutang lang namin tapos kukunin pa ng MIL ko. sa totoo lang ayoko po sya kasama sa bahay dahil sigurado sya ang masusunod at laging kakampihan ng asawa ko. nahihirapan na po ako mga mommy. na minsan gusto ko nalang sabihin sa asawa ko na dun nalang sya sa pamilya nya. at yun nalang buhayin nya. tutal hindi rin naman kami tinitigilan ng nanay nya ng kakahingi ng pera.. hai.... #pleasehelp #advicepls #1stimemom
magset kayo ng boundary kung magkano lng ang ibibigay nyo, take it or leave it kamo. may asawa na anak nya, may responsibilidad na kamo sya