What Should I Do?
Ask ko lang kng meron din ba ditong kabwanan nya na tas lumipat ng doctor for some reason.. Namomroblema ako mga kamomshie i'm on my 35th weeks. Pang third baby ko ito pero 1st baby ko sa 2nd husband ko ung bunso ko is 9 yrs old. Parehong normal delivery ung dalawa kong anak but this time base on the result of ultrasound i will be undergoing a cesarean delivery. I cant believe that it will happen so this situation become stressing me out to the extent na mas gusto kong nasa kwarto lang ako magisa watching youtube videos alone. Ayoko rin ng may kausap na matagal kaya pati asawa ko hindi kami gaanong naguusap lately. Sa private doctor ako nagpapacheck up and dahil mac-CS ako ung budget namin pang normal delivery lang. Kapag cs kc i will be paying my doctor package for about 45 thousand. So half of that lang budget namin. It was a trauma for me i dont know what to do. Ung bayaw ko nagsuggest sya na lumipat ako ng doctor and sa govt hospital nalng ako manganak pra wala daw kaming gagastusin. Nakiusap nga ako sa docrtor ko na try ko magnormal pero sabi nya sa akin risky ang gagawin ko baka malagay pa sa alanganin ung buhay namin ng baby ko. I was a low lying placenta posterior. Diba sa ating buntis kc trust ang binibuild natin with our doctor until when we delivered kc buhay natin ang nakataya. Kaya sabi ko sa asawa ko ayokong magpalit ng doctor. Syempre kng lilipat ako ng doctor hindi nya alam kng ano ung naging history ng pagbubuntis ko from d start pati mga labs ko di maguulit ako kapag lumipat ako. Sabi ng bayaw ko kuhanin ko nlng daw ung mga papers ko dun sa doctor ko tas ibigay sa bagong doctor. Hindi ako pumayag nainis ako kc hindi nila alam ung nararamdaman ko kaya sabi ko sa asawa ko sya kumuha ng mga papers ko dun tas sya na lng magpaanak sa akin. Nagalit sya nagaway gang sa umabot na nagbabatuhan na ng masasakit na salita. Ngaun inunfriend nya ako sa fb. I dont know what to think. Mula nga nung nalaman kong CS ako hindi na ako nakakatulog ng maayos at makakain. Nakatira ako ngaun sa bahay ng lola ng asawa ko kasama byenan ko at tito nya. Everyday it was a stressful.