#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!

Sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!
145 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

84. #AskDok ok lang po ba na madelay ang vaccine ng baby? Mag 2 months na baby ko due to lockdown d kmi makalabas. Ung 5 in 1 and pcv po.

6y ago

Ang official stand ng PIDSP(Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines), ay wag idelay ang bakuna ng bata dahil ang mga ito ay makakapagbigay ng proteksyon sa mga sakit na kaya iwasan gamit ng mga bakuna. Ngunit sa panahon ngayon ng community quarantine, naiintindihan ko po na mahirap iyon gawin. Maari po kayo magtanong sa health center malapit sa inyo tungkol sa services ng bakuna or makipagugnayan sa private pedia kung san pwede dalhin si baby. Kung nanaiisin naman ipagpaliban ang bakuna, maari din naman. Pwedeng habulin ang ilan sa mga bakuna o catch-up immunization, maliban sa rotavirus na hanggang 32weeks lamang binibigay. Importante din po ang pagpapadede, dagdag na proteksyon ito ni baby sa mga sakit.