#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!

Sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)

#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!
145 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Good evening Doc. Tanong ko lang po ano po itong nasa mukha ni baby ko. 1 month 9 days na po siya at meron po siyang ganito(picture attached) sobrang dry din po ng skin niya sa mukha at medyo mapula. Johnson's po sabon niya then pinalitan po namin ng tender care. Thank you

Post reply image
6y ago

Mejo malabo po ang picture. Pwede po kasing atopic dermatitis. Better po ta eat hypoallergenic diet if breastfeeding, apply moisturizer 3x a day sa face ni baby, use gentle cleanser when bathing.