#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!
Sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)
Hi doc, namamana po ba ang allergic rhinitis? Meron po kasi ako, and napansin ko na madalas din bumahing si baby and magkamot ilong. Runny nose and nagluluha din kapag mababahing. 1 yr & 4mos xa
97. Hanggang kailan po pwede madelay yung vaccines/immunizations ni baby. 1month and 4 days na po si baby. Yung BCG and 1st dose ng Hepa B vaccine pa lang po yung naibigay sa kanya upon birth.
Thank you po doctora...
34. Good pm Dra. Paano po mawala yung halak ni baby due to previous cough and colds. Pag humihinga po kasi sya minsan may tunog na parang barado yung ilong. Nagnenebulizer naman po kami. Thank you.
Paano po mawawala halak ni baby? Yung parang phlegm kasi may tunog po pag nagbbreastfeed ako and minsan pag umiiyak po sya.
22. Hi Dra. Ano po magandang cream para sa rashes ng baby? Or ano pong cream ang pwedeng ilagay pang prevent that he can use eveyday? Mainit po kase ngayon at namumula mula po ang singit ni baby.
Zinc oxide cream po
23. Hi Doc! I just want to ask po if 8.05 kg is normal for a 5months old baby?She's a girl..She'll be eating soon Doc, how many times does she need to eat? Like 3x a day or less? Thanks Doc!
2-3x for 6-8mos of age :) same food for 3 days to know if may allergies and to let baby get used to the taste and texture
69. Hi po doc. Sinisinat po kasi anak ko 37.2 po ngayun parang nag iipin po kasi siya ano po ba ang magandang gawin? Naka apat na pupu din po sia ngayun 1yrs old and 3mos po si LO. Salamat po
Hindi po sinant ang 37.2. Normal po yan. 37.8 sinat, 38 lagnat. Kung nagtatae po bigyan po ng oral rehydrating solutions, pwede din po bigyan ng banana and apples. Iwasan po ang oily na pagkain.
Goodeve po doc. Ask ko lang po yun baby ko di nawawala yun halak po. Panu po kaya mawawala yun? Hirap po kasi ngayon magpacheckup di makalabas ng bahay. Sana masagot nyo po eto salamat po.
hello po! tapos na po ang session na ito. but dont worry po, meron po tayong mga doctors na sasagot ng mga tanong tungkol sa kalusugan ni baby. dito po i-post ang inyong tanong para po masagot nila: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0402-pedia-official/1879531
65. Doc 10 days palang Po ung baby ko normal Lang Po ba sa kanila ung nagtatae 4days Napo kasi siyang nagtatae pakonte konte Lang naman Po pure breastfeeding Po ako .
Thank you Po doc. Sa response ☺️
47. Good evning po dra, okie lang po ba kay baby na hindi araw araw ang pag popop nya? S26 gold ang milk turning 4 months na po, at any recommendation na gatas na pwede ipalit?
Salamat po doc, lagi na man po syang may utot at hindi lumalaki ang tyan, god bless po
40. Good pm po doc, normal lang po ba sa baby na 30 days pa lang is parang may halak po? Mixed feeding siya with s-26 before and breastmilk pero po ngayon is breastfeeding na lang siya.
Thanks doc! 😍
The Asian Parent PH - Head of Content | IG: @candiceventuranza