#AskDok LIVE now with PEDIA, Dr. Maala!
Sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Ang topic po this week: Paano masisiguro ang health ni baby ngayong panahon ng enhanced community quarantine. POST YOUR QUESTIONS NOW! Ito po ang official thread at dito po sasagot si Dok. TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito. Huwag din po sana tayong makakalimot na mag-thank you kapag nasagot po ang tanong natin :)
hi po doc ask ko pang po kung masama po sa baby kapag sobra sa mallunggay? un po lase pinantitimpla ko sa Gatas nya which is po nawala po tlaga ung halak at sipon nya po salamt po
how to know po if your about to give birth or uour in a labour na po... kasi po im 38 weeks preggy and always na po masakit ang balakang ko and puson... is it normal po?? thank you po
PEDIA siya, hindi OB.
87. Hi Doc. Pano po kung naka sched ng 1st 6in1 vaccine ung baby na 2 months old. Pede po ba to idelay muna? nakakatakot kasi ung covid at dahil na din sa ECQ. thankyou!
Ang official stand ng PIDSP(Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines), ay wag idelay ang bakuna ng bata dahil ang mga ito ay makakapagbigay ng proteksyon sa mga sakit na kaya iwasan gamit ng mga bakuna. Ngunit sa panahon ngayon ng community quarantine, naiintindihan ko po na mahirap iyon gawin. Maari po kayo magtanong sa health center malapit sa inyo tungkol sa services ng bakuna or makipagugnayan sa private pedia kung san pwede dalhin si baby. Kung nanaiisin naman ipagpaliban ang bakuna, maari din naman. Pwedeng habulin ang ilan sa mga bakuna o catch-up immunization, maliban sa rotavirus na hanggang 32weeks lamang binibigay.
30. Toddler at 2.5 years old. Vaccines from Health Center only. Will that suffice for now? If not, what are the must have vaccinations to be taken? Many thanks!
Booster doses must be given, and other special vaccines. However most of these are not offered in health centers. Best to reach out to a private pedia.
58. pwede po ba madelay ang vaccine ni baby 4 months 25 days old.. penta 3 at rota 3 po sana last march 26 kaso wala po means of transpo kaya di kami makaalis ng bahay? TIA
Thank you Doc! 💪😊very informative po ng sagot nyo . God Bless and keep safe po! ❣️
31. Hi doc! Is 8.05 kg normal weight of a 5 months old baby? She'll be eating soon po how many times does she need to eat? 3x a day or less or more?thanks doc!
66. hi doc gud day c bb po coming 3 months dis april 6 mejo ng tatae po sya anu po kaya mgandang gawin o anu pong med ang pwd po ipainom sa knya slmat po doc n godbless
Medyo nagtatae po? Ang pagtatae po kasi is kung tubig po ang dumi parang ihi. Pero kung mushy po hindi po yun pagtatae. If walamg dugo or sipon sa dumi wala po dapat ikabahala. Pwede po pakainin ng latundan or apples para tumigas ang dami. Pwede rin po bigyan ng mga oral rehydrating solution pamalit sa tunaw na dumi.
Hi doc, May singaw po sa dila ang 2 years old kong anak. Ano po kaya ang gamot para dito? Di na po sya makadede sa bote dahil masakit daw po. Salamat po!
hello po! tapos na po ang session na ito. but dont worry po, meron po tayong mga doctors na sasagot ng mga tanong tungkol sa kalusugan ni baby. dito po i-post ang inyong tanong para po masagot nila: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0402-pedia-official/1879531
25. Ilang months ko po ba pwede ipa carrier and walker c baby boy ko ? Prang ang tigas n po kc buto nya pero fragile p rin syempre , btw 2months po c baby. Thanks doc
Depends on the carrier. May carrier po na pwede from newborn yung iba po designed for 3mos and above upto a certain weight. Ang walker naman po ay hindi namin i aadvise, prone to injuries po.
dok paano yung 40 days n po delay pero ndi p ako nag PT kasi hindi po ako makalabas ng bahay. dahilan sa ECQ, possible po ba kaya ng im pregggy na???
Hello po! Pedia po ang doctor natin, duktor po ng mga bata. Ibang session po ang OB.
Mommy First, then baby doctor second :)