#AskDok session with a Pediatrician

Ngayong darating na March 30, Monday (7-9PM), sasagutin ni DR. GELLINA MAALA, isang pediatrician, ang mga tanong ninyo tungkol sa kalusugan ng inyong anak! Abangan sa ANNOUNCEMENTS topic ang official post kung saan sasagot si Dok. May naiisip na ba kayo na mga tanong para sa kaniya? TANDAAN: Ang first 100 questions po ang priority po na sasagutin ni Dok para sa session na ito kaya't huwag kalimutang mag tune in sa scheduled date and time.

#AskDok session with a Pediatrician
101 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello doc ano po pwedeng remedy sa ringworm?? Yung anak ko po kasi parang may ringworm nagsimula sa maliit hanggang sa lumaki and dumadami rin po. Hypoallergenic naman po yung gatas niya

Blessed Day Dok ask ko lang po ung baby ko po kase nagspit up ng color yellow may dapat po ba akong ipagalala? ano po kaya ang mga dapat kung gawin Dok ? Thanks in advance godbless you .

My baby is 3 months old and yesterday I noticed an egg-white vaginal.discharge pero smaller than pea size lang and wala na rin ngayon. But should I worry po ba about it? Thank you

VIP Member

Hi doc, ok lang po ba na until now di pa natatake ng baby ko ang pang 6weeks sana na vaccine nya? Lockdown po kase di kame makalabas. 11days na po since nag 6 weeks ang LO ko. Thanks doc.

6y ago

Dito po sasagot sa official thread si Dr. Gel: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0330-maala-official/1867593 Diyan po ipost ang mga tanong. Thank you po!

Hi doc.ang baby ko po sinisipon kapag nagaiircon kami kahit nakaset sa 23-25 Celcius. Ano po maganda namin gawin. hindi naman po kami hindi pwede magaircon dahil mainit.

Hi doc ask lng po 4months n po c baby npansin ko po sbrang pg lalaway po nya tpos mdalas po xa masamid at mabulunan dhil s pag lalaway nya.bkit po kaya gnun.

Hello po Doc. Ano ba ibig sabihin kapag ka humihinga yung baby ko e may parang nagvvibrate sa likod nya. wala nman po siya sipon o ubo. turning 4 mos. na po siya

Hello po doc, normal lang po ba sa baby na sa bote nagdedede ang onti lang mag wiwi.saka ano po kaya pedeng vitamins ng 4 months na .baby..thanks po ftm po aq

May pag-asa pa po ba umikot si baby kasi po last check-up ko po non 8mos. naging breech po ang pwesto nia until now po ? Ano po mga dapat ko gawin?

6y ago

Pedia siya. Not an OB.

Hi Doc! Normal po ba sa 3 months and 16 days breastfed baby na konti ang output ng wiwi? Madalas naman po ang latch namin sa araw. Thanks po!

6y ago

Dito po sasagot sa official thread si Dr. Gel: https://community.theasianparent.com/q/ask-dok-0330-maala-official/1867593 Diyan po ipost ang mga tanong. Thank you po!